Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gilas training, sa Malaysia na sisimulan

Hindi pa sisimulan ang opisyal na ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa ikalimang window ng FIBA World Cup qualifiers hangga’t hindi pa kumpleto ang lahat ng manlalaro sa Seremban, Malaysia.

Ayon kay national coach Tim Cone, hindi pa makakasama ang mga Filipino player na naglalaro sa ibang bansa, kabilang ang naturalized player na si Bennie Boatwright na kasalukuyang import sa Chinese Basketball Association.

Aalis patungong Malaysia ang karamihan sa mga miyembro ng koponan sa Nob. 21 kaya isang linggo lamang ang magiging panahon ng koponan upang magsanay nang sama-sama.

“Everybody else comes on the 19th or on the 20th. We won’t have a full team until we get down to Kuala Lumpur,” ani Cone.

“In my understanding, AJ (Edu), Q (Quentin Millora-Brown), and Mike Philips are all joining us in Kuala Lumpur directly from Japan. Dwight (Ramos) is coming in a day before, and most of the guys are coming in the day before.”

Galing ang mga manlalaro sa Japan B.League o Korean Basketball League (KBL).

“We will not (train in Manila). We could have a practice but it would be with three or four players. It doesn’t make sense for us practicing with three or four players,” pahayag ni Cone, na tumutukoy sa mga player ng Philippine Basketball Association (PBA) na sina Scottie Thompson, Chris Newsome, Juan Gomez De Liano at CJ Perez.

“The PBA guys, we could have practices with them, but again its only three or four players, and everybody else is from overseas. If we could get them (overseas players) earlier, we would practice earlier, but we’re not gonna get them until the 20th.”

Makakaharap ng Pilipinas ang Syria sa Nob. 27 at Iran makalipas ang dalawang araw.

Magkakaroon ng debut sa national team si Boatwright, na may taas na 6-foot-10, bilang kapalit ng injured na si Justin Brownlee.

Kabilang din sa koponan sina Rhenz Abando at Kevin Quiambao ng KBL, gayundin si Kai Sotto ng B.League.

Nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas sa Group E tangan ang 4-4 kartada, isang panalo ang layo sa Iran at Jordan na kapwa may 5-3 rekord.

Nangunguna sa grupo ang walang talong Australia (8-0), kasunod ang New Zealand (6-2).

Naka-break ang PBA Governors’ Cup mula Nob. 9 hanggang Disyembre 3 upang bigyang-daan ang kampanya ng Gilas para makakuha ng puwesto sa 2027 Qatar World Cup.

Magbabalik ang liga sa Disyembre 4 para sa best-of-five Final Four series sa pagitan ng Barangay Ginebra at defending champion TNT, gayundin ng NLEX at Converge.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles