Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

300 flights apektado ng ASEAN Summit; airlines, mag-aalok ng libreng rebooking, refund

Mahigit 300 flight ang kanselado o binago ang iskedyul dahil sa pagdating at pag-alis ng mga world leader para sa ika-49 na ASEAN Summit at Related Summits sa Pilipinas mula November 16 hanggang 18.

Gayunman, tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at mga pangunahing airline na may karapatan sa libreng rebooking, full refund o travel fund ang mga pasaherong maaapektuhan.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon nitong Martes, November 10, nakipagpulong na siya sa Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia Philippines, na pumayag na magbigay ng mga opsyon sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights.

“The government and the airlines assure the affected passengers are protected,” ani Dizon.

Maaaring makaranas din ng pagkaantala ang international flights, habang inaasahan ang mga kanselasyon at pagbabago ng iskedyul sa mga lokal na airline.

Pinayuhan ni Dizon ang mga pasahero na kumpirmahin ang kanilang flight schedule at pumunta nang mas maaga sa paliparan. May mga help desk din para umalalay sa mga apektadong biyahero.

Ayon sa kalihim, direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang abala sa mga pasahero habang isinasagawa ang summit.

Samantala, tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga lugar na pagdarausan ng summit sa Pasay, Makati at Manila.

Sinuri na ng mga kinauukulang ahensya ang mga pasilidad, habang nakaantabay ang mga tauhan at kagamitan ng Meralco para agad matugunan ang posibleng aberya sa kuryente.

“As part of our continuing commitment to providing reliable power service, we have completed facility inspections, secured the necessary clearances for our personnel, and strategically positioned standby crews and equipment in preparation for the ASEAN Summit,” ani Meralco Senior Vice President Froilan Savet. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles