Sinibak sa pwesto ang apat pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga alegasyon ng korapsyon, pangingikil at iregularidad sa mga proyekto ng gobyerno.
Kabilang sa mga tinanggal sina Tarlac 1st District Engineer Hermon Ines at Cotabato 3rd District Engineer Saidale Mitmug dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.
Sinibak din si Apayao 2nd District OIC District Engineer Clifton Valencerina dahil sa umano’y pangingikil ng SOP o komisyon sa mga proyekto.
Kasama rin si Lanao del Norte 2nd District Engineer Amron Mitmug dahil sa pagsertipika sa mga proyektong hindi maaaring ipatupad.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin sa pwesto ang mga opisyal at empleyadong sangkot sa katiwalian bilang bahagi ng paglilinis at reporma sa DPWH.
Ayon kay Public Works Secretary Banoy Lopez, tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng “one-strike policy” na sinimulan ni dating Secretary Vince Dizon.
Tiniyak niyang agad iimbestigahan ang mga opisyal na masasangkot sa kuwestiyonableng transaksyon at walang sasantuhin ang ahensya sa kampanya laban sa korapsyon. /Bistado


