Emosyonal si Alexandra “Alex” Eala matapos mabigo sa WTA (Women’s Tennis Association) 250 Prudential Hong Kong Open finals sa Victoria Park Tennis Stadium outdoor hardcourt nitong Linggo.
Hindi dahil hindi sya nakaporma kay Claire Liu ng Amerika, 3-6, 0-6, para sana sa ikalawang kampeonato niya ngayong taon.
Naluha ang 21-anyos sa oncourt speech dahil sa pasasalamat sa takbo ng professional career.
“This season has just changed my life,” ani Eala.
“It’s changed my life for the better. I’m incredibly proud of the work we’ve put in this year and we are the only ones who truly know what it took to arrive at this point in our journey. This is only the beginning and this one, like all of them, is ours, so congratulations.”
Tinukoy ni Eala sa pasasalamat ang mga magulang, kapatid at coaching staff sa pangunguna ng Espanyol na si Joan Bosch mula sa Rafa Nadal Academy.
Pinasalamatan din ni Eala ang mga tagahanga na dumadagsa sa mga laban niya.
Inaasahan ngayong Lunes ang pag-angat muli ni Eala sa world rankings, mula sa No. 17.
Kinailangan ng 26-anyos na si Liu ng isang oras at 33 minuto upang masungkit ang kanyang ikalawang titulo nang hindi natatalo sa kahit isang set.
Una siyang nagkampeon sa WTA 125 Kia Open sa Barranquilla, Colombia noong Setyembre 12.
Tinalo niya sina Tatiana Prozorova (6-2, 6-4), No. 8 seed Katie Boulter (7-5, 6-4), Zeynep Sonmez (6-1, 6-4) at Alexandra Shubladze (7-5, 6-4) upang makaharap si Eala.
Naging dikdikan ang simula ng finals kung saan kapwa nakapagtala ng tig-isang break sa unang anim na games upang maitabla ang unang set sa 3-3.
Mula roon, tuluyang nakontrol ni Liu ang laban at nakapagtala ng siyam na sunod na puntos upang selyuhan ang tagumpay.
“I feel like even though it was 6-0 in the second, every game was back and forth,” ani Liu na taga-California. “She had chances, I think, in almost every single game. I don’t think the score shows the full story. It was definitely really close at each point. I feel like it was almost, like in order to win a point, you had to hit a winner. I think we both played some really good tennis.”
Nanguna si Liu sa junior rankings noong 2017 matapos masungkit ang girls’ singles title sa Wimbledon sa London at magtapos bilang runner-up sa Roland Garros sa Paris.
Noong 2016, nakuha rin niya ang girls’ doubles championship sa Wimbledon kasama ang kababayang si Usue Maitane Arconada.
Samantala, nakatakdang lumahok si Eala sa isang exhibition match kontra Janice Tjen ng Indonesia sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Disyembre 8.


