Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Paulo Avelino, bakit daw ‘dedma’ sa kalagayan ni Kim Chiu?

Nakarating sa BISTADO ang mga hinanakit at reklamo ng KimPau fans na solid na solid noon na nagbibigay ng suporta kina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Ayon sa mga KimPau fans, nagtataka daw sila sa sobrang pananahimik ngayon ng idolo nilang si Paulo dahil simula daw ng matsismis si Kim na buntis ay hindi man lang daw ito nagbibigay ng anumang pahayag sa tsismis tungkol sa kanyang girlfriend.

May mga nang-iintriga pang baka daw tuluyan ng iniwan ng aktor si Kim ngayong may mga personal itong pinagdadaanan, kasama na nga ang tsismis na umano’y nagdadalantao ito.

Ginawa ding isyu ng ilang mga fans ang hindi man lang daw pagbanggit ni Paulo sa katambal nitong si Kim nang manalo ito ng award sa South Korea TV awards kamakailan, for the TV series na sila ni KIm ang magkatambal.

Nagtataka din ang lahat kung bakit tila sinusustain daw ang mga ganitong tsismis dahil daw ba kaya ito sa nalalapit na showing ng kanilang MMFF movie entry this December?

Napaghahalata daw yata talagang “user friendly” itong si Paulo para lang magkaroon ng mainit na karir.

Nagpapa-alala din ang KimPau na kung wala daw si Kim ay malamang na matagal ng hindi napag-uusapan ang name ng isang Paulo Avelino.

“Ramdam namin ang matinding pinagdadaanan ni Kim. Whether totoo or hindi na buntis siya, parang deserve naman naming makita o marinig man lang na may support sa kanya si Paulo,” litanya ng mga fans.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles