Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bistong Kapalaran – November 8 

♈ ARIES (March 21–April 19) – Harapin na ang financial paperwork na matagal mong iniiwasan, lalo na tungkol sa mana, buwis, utang at insurance. Simulan sa pinakamahirap na dokumento at tapusin ang kaya ngayong araw.

♉ TAURUS (April 20–May 20) – Suriin ang nakasanayan mong pakikitungo sa partner at malalapit na tao. Mas objective kang makakikita ng problemang kailangang ayusin. Pumili ng approach na magpapalalim sa pag-unawa ninyo.

♊ GEMINI (May 21–June 20) – Hanapan ng mas mabilis at mahusay na paraan ang trabaho at importanteng tasks. Repasuhin din ang health habits at baguhin ang routine na hindi na nakatutulong.

♋ CANCER (June 21–July 22) – Tumutok sa romance, mga bata, leisure activities at creative talents. Humanap ng mas magandang approach sa bawat isa. Kilalanin ang sariling creativity at bigyan ito ng sapat na oras.

♌ LEO (July 23–August 22) – Suriin kung paano mapabubuti ang relasyon sa pamilya at ang takbo sa bahay. Ayusin ang espasyo o routine para mas maging masaya at komportable ka sa tinitirhan mo.

♍ VIRGO (August 23–September 22) – Obserbahan ang paraan ng pakikipag-usap mo. Sabihin nang malinaw ang pangangailangan at tiyaking nauunawaan ka ng kausap. Mahalaga ring makinig bago sumagot.

♎ LIBRA (September 23–October 22) – Tingnan nang objective ang paghawak mo sa pera. Repasuhin kung saan ito napupunta at tukuyin ang gastos na puwedeng bawasan. Gumawa ng praktikal na adjustment sa budget.

♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Suriin ang imaheng ipinapakita mo sa ibang tao. Piliin ang realistic na pagbabagong magpapakita ng tunay mong lakas at personalidad. Panindigan ang bagong direksiyon.

♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Balikan ang problemang matagal mong iniiwasan o itinatago. Tukuyin ang habit na sumisira sa sarili mong goals. Tahimik na reflection ang tutulong para maputol ang cycle.

♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Pag-isipan ang mga kaibigang nananatili at ang mga lumayo na. Suriin din kung anong klaseng kaibigan ka sa iba. Bigyan ng oras ang samahang sulit pang palakasin.

♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Suriin ang kabuuang direksiyon ng buhay mo. Isipin kung nasaan ka ngayon at kung saan mo gustong makarating sa loob ng limang taon. Iayon ang susunod na hakbang sa long-term goal.

♓ PISCES (February 19–March 20) – Pag-isipan ang further education o travel na magpapalawak sa iyong kaalaman. Piliin ang option na makatutulong sa trabaho, personal growth o activity na mahalaga sa iyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles