Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gasolina, posibleng bumaba ng P13.50 kada litro next week

Malakihang bawas-presyo sa petrolyo ang inaasahan sa Martes, November 10, kung saan posibleng bumaba nang hanggang P13.50 kada litro ang gasolina dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Batay sa paunang pagtaya ng mga eksperto sa industriya ng langis, posibleng bumaba rin ng P4.30 hanggang P4.50 kada litro ang diesel.

Kaugnay ito ng pag-asa ng mga mamumuhunan na humupa ang kaguluhan sa Middle East matapos ang resulta ng midterm elections sa United States.

Gayunman, hindi pa pinal ang mga inaasahang bawas-presyo dahil nakabatay pa lamang ang mga pagtataya sa apat na araw ng kalakalan sa international oil market.

Nakatakdang ilabas ng mga kumpanya ng langis sa Lunes, November 9, ang kanilang opisyal na price adjustments.

Matatandaang nitong November 3, tumaas ng P3.50 kada litro ang gasolina, habang bumaba ng P1 ang diesel at P1.90 ang kerosene. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles