Umaasa si John Mark “Marama” Tokong na makakarating pa siya sa mas mataas na yugto ng kompetisyon, ngunit tinanggap niya nang maayos ang maagang pagkakatanggal sa World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro sa Cloud 9 break sa Siargao Island nitong Lunes.
Inamin ng apat na beses na kampeon ng Siargao International Surfing Cup na pinalampas niya ang ilang pagkakataong manalo laban sa Australian na world No. 7 na si Ethan Ewing, partikular nang lumakas ang hangin at naging mas mahirap sakyan ang mga alon.
Ayon kay Tokong, masaya siya sa ipinakita niyang performance sa nauna niyang heat dahil naging kalmado at komportable siya sa pagpili ng mga alon na nais niyang sakyan.
Gayunman, nagbago ang kondisyon sa sumunod niyang heat kaya nahirapan siyang maisagawa ang mga galaw na kanyang plinano.
“It’s not a loss, it’s a lesson. We’ll learn from it and move forward. We just have to make sure we don’t make the same mistakes again,” ani Tokong.
“I was really happy with my performance in that heat. I felt relaxed and just focused on choosing the right waves. But the conditions yesterday (Sunday) and today were different. The wind picked up and I tried to stay busy, catch more waves and go for aerials, but unfortunately, I couldn’t land them.”
Nagtapos din ang kampanya ng kapwa wildcard na si Jayuard Alciso, 21, matapos siyang talunin ng dati na niyang nakalabang si Kanoa Igarashi ng Japan.
Nakita si Igarashi na tumulong buhatin ang bronze medalist sa Nagoya Asian Games matapos itong masaktan dahil sa isang pagkakabangga.
Labis na nanghinayang si Tokong sa kanyang unang alon dahil naniniwala siyang nagkaroon sana siya ng mas magandang pagkakataong umusad sa susunod na round kung nagawa niya ang kanyang aerial maneuver at makalabas sa barrel.
“If I had landed that aerial and made it out of the barrel on my first wave, I think it could have helped me move to the next round,” aniya.
Gayunman, nagpapasalamat pa rin si Tokong sa pagkakataong makalaban ang ilan sa pinakamahusay na surfer sa buong mundo. Aniya, malaking karanasan na para sa kanya ang mapanood ang kanilang mga laban at matuto mula sa kanilang mga ipinakitang performance.
“Everyone here is a champion. They’re among the best athletes in the world. Just being able to surf against them, watch them compete and learn from them is already amazing. I’ve learned so much from this experience,” aniya.
Malaki rin ang naging kahulugan para kay Tokong ng suporta ng mga manonood. Nagulat siya nang makita ang napakaraming taong nagtipon sa Cloud 9 upang siya ay palakpakan at suportahan sa kabila ng matinding init ng panahon.
“I feel like I didn’t really lose anything because of all the support from the community, my friends and my family. It’s crazy to see so many people at Cloud 9 cheering for me. Even though it’s so hot, they’re still there. I’ve never experienced anything like this before. I’m really thankful to everyone,” ani Tokong.
Paghahandaan na ngayon ni Tokong ang mga pambansang kompetisyon. Umaasa siyang mapapabuti pa niya ang kanyang international ranking at makapagtatala ng mas magagandang resulta sa kanyang mga susunod na laban.
Nagtapos si Tokong na may 11.54 puntos, kulang sa 14.50 puntos na naitala ni Ewing.
Muntik nang makahabol si Alciso laban kay Igarashi sa mga huling sandali ng kanilang laban, ngunit kinapos siya sa oras upang maibalik ang kalamangan. Nagtala lamang siya ng 4.17 puntos sa kanyang huling alon para sa kabuuang 11.84 puntos nang matapos ang 30-minutong heat, na hindi umabot sa 12.90 puntos ni Igarashi.
“He’s such an amazing surfer. I was competing with him in the Asian Games last month and he’s such an amazing talent and he had such a good heat yesterday,” ani Igarashi.
Makakamit ng kampeon ang USD80,000 (humigit-kumulang PHP5.1 milyon) na premyong salapi.


