Game na sinagot ni Michael Sager ang mga nakakaintrigang mga tanong na ipinukol sa kanya ng BISTADO sa presscon ng upcoming Gen-Z Heartthrobs concert nila come January 15, 2027.
Nauna na rito ang usapin sa kanyang sekswalidad na iniuugnay ng marami sa madalas na pag-ship sa kanila ng kaibigang si Emilio Daez na naging very close friend niya mula sa PBB hanggang sa silaý nasa outside world na.
“Natatawa na nga lang po kami dahil kahit yung small details on us posted on socmed, nilalagyan nila ng malice. For us, it’s no big deal. We are just two male friends enjoying each other kakulitan, and stuffs that brought us joy and fun,” saad ng gwapong aktor mula sa Sparkle ng GMA 7.
“Actually, since we were in the PBB house up until we got out, a lot of our “kilig fans” are wanting us to have a BL (boy love) project. For some reason or what, mas kinikilig daw sila. We never mind naman since we both know our preferences, pero siyempre our respective studios have other things for us. Pero kami, if ever, ok naman sa ganun. Kung mayroong audience to support, why not di ba?,” buong tapang nitong sagot sa BISTADO.
Mariing klinaro ni Michael na “babae”pa rin ang kanyang type at nais na maka-relasyon romantically, pero dahil nasa showbiz nga daw siya, talagang marami ang magkukwuestyun sa kanyang sekswalidad lalo’t matabil siya at laging nakabungisngis.
Single ang aktor sa ngayon dahil mas focused daw siya sa kanyang karir. May mga sinubukan daw siyang ligawan from in and out of showbiz, pero dahil sa sumisikip niyang showbiz commitments, “on stand by muna siguro.”
“I don’t know if that’s an advantage or what. My being so madaldal or bungisngis is simply are part of my being me, Michael, masayahin at may very positive outlook lang sa buhay. I was brought up this way, so, di ko alam kung mali ba iyan or dapat iyan na i-associate ng iba to being bading, malambot or what. Bahala na po sila basta ako, I know myself well at alam ko ang gusto ko,” dagdag pa nito.
May nakakatawang insidente nga daw sa kanyang hosting gig ngayon sa ongoing PBB collab ng GMA 7 at ABS-CBN bilang siya ang latest addition to its roster of hosts.
“Sa sobrang daldal ko siguro, hayun napagsabihan ako ni Alexa (Ilacad) na over time na pala kami,”natatawa nitong kwento.
Proud din siya at grateful na siya ngayon ang sinasabing counterpart ni Robi Domingo sa Kapuso network bilang mahusay ay matalinong host.
“Of course nakakataba po ng puso, pero I still have a lot of things to learn. Sobrang layo ko pa sa galing at husay ng isang kuya Robi,” susog ni Michael,
Sa usapin naman na na-box out niya sa naturang show si Mavy Legaspi at sinasabing nawalan tuloy ang anak nina Carmina at Zoren ng exposure sa show, sey nito, “I’m sorry po sa mga nag-iisip ng ganyan. I have but high respect of Mavy. I’m thankful sa kanya. Pero wala po akong kinalaman sa pagkawala niya sa show. Again, sa showbiz po talaga ay may mga decisions ang higher ups or management natin na may mga ganyang effect sa gaya namin. Kaya ako, I’m bound to deliver and do my best in here, dahil who knows, baka soon, mangyari din sa akin ang ganyan di po ba?”
Sa gaganapin nilang concert sa January 15, excited ding ibinalita ni Michael na kakaririn niya ang pagkanta at pagsayaw upang masabayan man lang daw ang mga kasama niyang sina Kelvin Miranda at Anton Vinzon.
Öf course, hindi pwedeng puro pakyut o bungisngis lang kami doon. This is our gift to our supporters and they simply deserve the best from us. At saka ang balita ko po ay baka dalhin namin ito abroad so might as well be very competitive para naman hindi lugi yung manonood sa amin,”pagtatapos pa ni Michael na mayroong MMFF movie entry ngayong December.


