Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

141K pulis, responders ipakakalat sa buong bansa ngayong Undas; full alert simula October 30

Magpapakalat ng mahigit 141,000 pulis, government responders at volunteers ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para bantayan ang mga sementeryo, terminal at pangunahing kalsada ngayong Undas 2026.

Kabilang sa deployment ang 73,034 pulis, 16,560 tauhan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno at 51,578 force multipliers na tutulong sa seguridad, traffic management at public assistance.

Inaasahang pinakamabigat ang trapiko sa Biyernes, October 30, habang dagsa ang mga biyaherong uuwi sa probinsya bago ang All Saints’ Day at All Souls’ Day sa November 1 at 2.

Batay sa PNP, umabot sa 14,014,970 ang bumisita sa mga sementeryo sa buong bansa noong nakaraang taon.

Isasailalim sa Full Alert Status ang lahat ng PNP offices at units mula 12:01 a.m. ng October 30 hanggang 12:01 a.m. ng November 3.

Sakop ng operasyon ang 5,311 sementeryo at columbaria, bukod pa sa mga pangunahing kalsada, transport terminals, simbahan, at tourist destinations.

Tututukan ng mga pulis ang crowd control, trapiko, seguridad at agarang pagtugon sa mga emergency.

Pinayuhan ang publiko na planuhin nang maaga ang biyahe, bantayan ang mga personal na gamit, at alalayan ang mga bata at senior citizens sa matataong lugar.

Hinikayat din ang mga biyahero na agad lumapit sa pinakamalapit na pulis kapag may emergency o kahina-hinalang insidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles