Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ITCZ magdadala ng ulan, thunderstorms sa malaking bahagi ng PH ngayong Linggo

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang malaking bahagi ng Pilipinas ngayong Linggo, October 25, dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng Pagasa na apektado ang buong Visayas, Mindanao, Bicol Region, Romblon at Palawan, kung saan posibleng magkaroon ng flash floods at landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms ang inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.

Nagbabala rin ang Pagasa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa kapag lumakas ang localized thunderstorms.

Wala namang binabantayang low pressure area na posibleng maging bagyo batay sa monitoring nitong 2 a.m.

Katamtamang hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan, na may taas ng alon na 1.5 hanggang 2.5 metro, ang inaasahan sa extreme Northern Luzon.

Sa Central Luzon, silangang bahagi ng Southern Luzon at natitirang Northern Luzon, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin, habang aabot sa 0.6 hanggang 2.1 metro ang taas ng alon.

Mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang alon din ang inaasahan sa Visayas, Mindanao at natitirang bahagi ng bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles