Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Boy Abunda, kinumpirma ang interview kay Kris Aquino

Mismong si King of Talk Boy Abunda, ang nagkumpirma na muli nga silang magkakasama ni Queen of All Media Kris Aquino, sa pamamagitan ng interview sa programang “FAST TALK.”

Kaya naman nasagot agad ang tanong ng kanilang mga supporters at mga netizen na nagsasabing mapapanood nga sila uli sa GMA 7 .

Matatandaang naglabas ng “teaser” ang Kapuso network tungkol sa pagbabalik ng King at Queen, with matching two chairs na black and yellow at highlighted ang mga letrang “B” at “K ” sa salitang BacK.

Ayon sa post ng Kapuso @gmanetwork:

“After 11 years, muling magsasama ang King & Queen of Talk!

Kris Aquino and Boy Abunda reunite in a two-part television event on October 28 & 29. Abangan! “

Agad naman itong kinumpirma ni Kuya Boy na nagkaroon din ng pagkakataon na ma-interview si Bimby Aquino.

Sa naturang ‘Fast Talk’ interview nga tinuran ni Bimby ang mga salitang magpapakasal lang siya kapag tinanggap ng buong-buo ng kanyang mapapangasawa ang kanyang Kuya Josh.

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa pambihirang pagkakataon na ito lalo’t tiyak daw na ito’y emosyonal, makabuluhan at magandang pagkakataon upang makapagbigay ng update si Kris at mga anak sa kanilang mga supporters.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles