Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

KIm Chiu, nagbanta sa mga nagpapakalat ng mali at malisyosong balita

Kagaya ng inaasahan sa nag-viral na post (burado na ngayon) ni direk Tony Mark, isang assistant director at program coordinator sa mga programa sa ABS-CBN, sinabi nitong diumano’y “na-hack” ang kanyan g socmed account.

Ang naturang socmed account kasi ay matapang na nag-post na diumano’y buntis nga si Kim Chiu at kasalukuyan itong nasa Edmonton, Canada.

Ang simple subalit pinag-uusapang post ni Mark ay  “KIM Chiu nasa Edmonton, Canada. Congrats buntis!!!”

Mabilis ding binura ang nasabing post subalit marami na nga ang nakapag-screen grab nito.

“My account was hacked, ” ang simple at maikli ding tugon ni direk Mark nang kuyugin na siya ng mga netizen at mga supporter ng KimPau at fans ni Kim.

Dahil dito ay naglabas naman ng reaksyon si Kim sa pamamagitan ng pagsasabing ang kanyang legal team ay may ginagawang imbestigasyon sa mga indibidwal at “online platforms spreading false information, malicious rumors, and invading her privacy.”

Sa kanyang statement sa X (formerly Twitter) nitong November 11, 2026,  tahasang sinabi ni Kim na ang sinumang mapapatunayang gumagawa at naglalabas ng mga maling isyu tungkol sa kanya ay may dapat na panagutan lalo’t kalat na kalat na nga ang umano’y kanyang pagbubuntis at matagal na ding “absence” sa It’s Showtime at ibang showbiz ganap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles