♈ ARIES (March 21–April 20) – Pabor ang pag-aayos ng childcare o child support. Kapag parehong handang mag-compromise, mahinahong solusyon ang lalabas. Sa love, gamitin ang natutuhan sa dating relasyon. Kung single, posibleng mapalapit ka sa kaibigan ng iyong ex.
♉ TAURUS (April 21–May 21) – Mag-imbita ng pamilya at kaibigan para sa masayang kainan at kuwentuhan sa bahay. Mapapahanga mo rin sila sa cooking o DIY skills. Sa relasyon, passion ang posibleng maglinaw sa matagal nang dilemma.
♊ GEMINI (May 22–June 21) – Hindi kailangang lumayo para magsaya. Tingnan ang community event sa inyong lugar, magtayo ng stall sa local market o humanap ng bargain. Malakas ang charm mo at posibleng makuha mo ang puso ng isang tao sa magandang usapan.
♋ CANCER (June 22–July 22) – Ganado kang bumili para sa bahay at pamilya. Pabor ang pagluluto, redecorating at pagpapaganda ng paligid. Maging bukas sa alok ng malapit na tao dahil posibleng uminit ang romance sa gabi.
♌ LEO (July 23–August 23) – Huwag hinaan ang malaking personality mo. Ipakita ang skills at talents kapag nabigyan ng pagkakataong maging sentro ng atensiyon. Makikinig ang mga tao sa iyo, kaya gamitin ang boses mo para magbigay ng kumpiyansa at makahikayat ng suporta.
♍ VIRGO (August 24–September 22) – Posibleng makita mo na ang bunga ng trabahong sinimulan noong summer. Balikan at ayusin ang dating project na hindi pa nagbigay ng inaasahang resulta. Sa love, malinaw ang tunay na malasakit kapag special ang pagtrato sa iyo ng partner.
♎ LIBRA (September 23–October 23) – Komportable ka sa tunay mong sarili at gusto mong makasama ang mga taong lubos kang kilala. Piliing mabuti ang kasama dahil nakaaapekto sa iyo ang kanilang energy. Pabor ang social event, at kung single, posibleng magsimula ang kilig sa isang tinginan.
♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Damhin ang excitement, pero huwag agad kumilos. Nasa tamang direksiyon ka at mas lilinaw ang mga susunod na buwan. Unahin ang mahal sa buhay na nangangailangan ng suporta. Posibleng magdala ng passion ang late-night encounter.
♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Mas kaya mong humingi ng tulong kaysa sa inaakala mo. Lalawak ang oportunidad kapag lumapit ka sa tamang tao. Huwag pagkamalang love ang friendship, lalo na kung marami ring nilalandi ang taong nagbibigay sa iyo ng attention.
♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Mag-effort na mapahanga ang influential na taong bagong dumating sa buhay mo. Sulit ang extra spending kung malinaw ang pakinabang. Kung magastos ang partner, humanap ng common ground. Maghanda rin sa gabing posibleng humaba dahil sa kaibigan.
♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Mataas ang passion sa love life, kaya sabihin ang nararamdaman sa taong gusto mo. Kung committed, magplano ng special day para sa partner. Subukan din ang competition na premyo ang holiday. Lucky number mo ang 11.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Sumama sa kaibigang seryoso sa fitness at hayaan mong mahawa ka sa kanyang enthusiasm. Unahin ang well-being sa pamamagitan ng gym o mas masustansiyang pagkain. Posibleng kumita nang maganda sa festive-season part-time job, kaya magpahayag agad ng interes.


