♈ ARIES (March 21–April 20) – Kung gusto mong ayusin ang relasyon o makipagbalikan sa ex, kulang ang half-hearted effort. Ibigay ang buong effort, lunukin ang pride, at aminin kung saan ka nagkamali. Isang dating kapitbahay na nakatira sa ibang bansa ang posibleng mag-imbita sa iyo.
♉ TAURUS (April 21–May 21) – Matagal mo nang hinihiling sa isang tao na gawin ang parte niya, at posibleng tumalab na ang mga sinabi mo. Ituring itong fresh start. Isang surprise refund o regalo ang magdadala ng magandang balita sa pera, kaya itabi muna para sa mas mahalagang paggagamitan.
♊ GEMINI (May 22–June 21) – Ubos ang energy mo sa daily routine. Tigilan ang pagsagot sa work emails after hours at huwag akuin ang trabahong hindi iyo. Isang job opening ang posibleng magtulak sa mas malaking pagbabago, habang naghahanda ang best friend mo ng pampagaan ng loob.
♋ CANCER (June 22–July 22) – Kung single at dating, hindi sapat na gusto ka niya. Dapat gusto mo rin siya. Pinaghirapan mong umangat sa career, pero ngayong naroon ka na, baka hindi pala ganoon ka-satisfying. Oras na sigurong pumili ng ibang career path.
♌ LEO (July 23–August 23) – Nagkaroon ng tensyon sa pamilya, pero nag-aalok ang New Moon ng fresh start. Huwag hayaang pride ang pumigil sa iyong maunang lumapit. Ibalik ang spark sa bold outfit o creative idea na matagal mong ipinagpapaliban, at huwag magpa-cool kung dumating ang hot date.
♍ VIRGO (August 24–September 22) – Hindi mo puwedeng iwasan habang-buhay ang masasakit na emosyon. Sabihin na sa kamag-anak ang matagal mong gustong ilabas, dahil ang side niya ay magbibigay ng bagong perspective. Isang kakaibang bird encounter ang senyales na binabantayan ka.
♎ LIBRA (September 23–October 23) – Hindi mo kailangang magbago para maging karapat-dapat sa gusto mo. Pabor ang stars sa paghingi ng mas malaking halaga sa usaping pera. Sa love, tanggapin ang tunay niyang ugali at bitawan ang inaasahang bersyon mo sa kanya. Ang prangkang payo ng kaibigan ang tutulong sa susunod mong hakbang.
♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Malayo na ang narating mo nitong nakaraang taon. Abot-kamay na ang matagal mong plano, pero mahalaga ang gagawin mo ngayon. Tuparin ang pangako o ihain ang claim. Ang taong nananahimik ay alam na kaya mo kahit wala ang tulong niya.
♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Tigilan ang pagsisi sa sarili sa nasabi o nagawa mo. Natutuhan mo na ang leksyon. Babalik ang adventurous side mo, at isang spontaneous outing ang swak para sa iyo. Isama ang bata o kaibigang matagal nang stuck sa routine.
♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Magkaiba ang pagdamay sa kaibigan at pagiging libre nilang therapist. Panahon nang magtakda ng limit. Kapag umabsent ang isang katrabaho, posibleng mapuno ka sa dagdag na trabaho. Bawasan ang pasan at magpahinga bago magpatuloy.
♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Tingnan ang setbacks bilang nakatagong pagkakataon, at huwag mahiyang humingi ng tulong. Isang partner o close friend ang posibleng magbigay ng clever solution, habang isang unexpected person ang gustong tumulong. Kumikislap na ilaw ang sign na matutuloy uli ang nakanselang treat.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Mas magaan ang energy mo ngayon, excited sa future at handang tigilan ang pag-aalala sa pera. Posibleng maging pagkakakitaan ang hilig mo sa astrology, spirituality o writing. Papalapit ang lucky break.


