Hindi pinalampas ng mga supporters ni Alden Richards ang naging pambibira ng iskandalosong socmed blogger na si Xian Gaza laban sa aktor.
Matitindi ang mga binitawang kwento ni Gaza hinggil sa diumano’y nakalap niyang impormasyon tungkol sa kaibigang super yaman na nagpahiram lang ng condominium unit kay Alden noong pandemic, pero hanggang sa mga panahong ito (2026) ay hindi pa rin ito isinasauli o binabakante ni Alden.
Ayon sa iskandalosong blogger, makailang beses na diumanong pinasabihan ng mga super yaman niyang mga kaibigan ang sikat na aktor na bakantehin na nito ang unit na ipinahiram lamang, subalit “dedma” daw ito ay patuloy pa ring tinitirhan ni Alden.

Hindi rin doon nagtapos ang sinasabing pagbubunyag ng blogger dahil ayon sa kanyang kwento, marami din umanong mga luxury items na hiniram lang ni Alden sa mag-asawa gaya ng mga bags at relo, na muli ay hindi pa naisasauli ng aktor.
Grabe ang mga akusasyon ng tila siguradong-siguradong blogger sa mga kuwento niya.
Aniya pa, handa siyang ma-demanda o harapin ang anumang isasampang kaso ni Alden dahil ipinagmalaki pa niyang “hawk” niya umano ang katotohanan at sa katunayan, ayon sa kanyang huling FB post ay tahasan niyang tinanong ang mayayamang mag-asawa kung totoo ang mga kinuda niya sa socmed about the accusations, at umanoý positibo naman daw na sinagot ng mag-asawa.
Sa kabilang dako, solid naman ang nakuhang suporta ni Alden mula sa kanyang mga supporters na hindi naniniwala sa tinatawag nilang kuwerntong kutsero ni Gaza.
Imposible daw na mangyari ang ganun lalo’t kilala sa showbiz si Alden bilang isa sa mga mayayaman, maraming negosyo at naipon kaya’t ang hindi daw nito pag-alis sa ipinahiram lang na condo unit ay napaka-imposible.
“Baka kahit sampung condo units pa sa high end na lugar ay kayang bumili ni Alden. Napaka-bobo naman yata ng ganung tsika?,” sey ng mga netizen.
“At yung mga luxury items na pin-flex ni Alden gaya ng mga topnotch watches, mga hard to find ones, ay kering-keri na maging property ni Alden. Hello, alam ba nilang super yaman si Alden ara ma-afford magkaroon ng mga ganun?,” hirit pa ng iba.
Balitang pinag-aaralan na ng legal team ng GMA 7 at ng legal ni Alden ang posibleng mga kaso na isasampa nila sa sobrang mapanirang pag-blog ni Gaza.
Nanawagan din ang madla at mga netizen supporters ni Alden na magsalita at lumabas ang sinasabing mga mayayamang mag-asawa para klaruhin ang usapin.
Kung totoo daw kasing lahat ang mga mapanirang kuwento ni Gaza ayon na rin sa blogger na sila ang source ng kuwento, di daw kaya dapat na dalhin nila sa legal ang usapin?


