Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gilas, puspusan ang ensayo para sa World Cup qualifiers

Idinaos ng Gilas Pilipinas ang ikatlong araw ng kanilang ensayo nitong Lunes sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.

Kumpleto na ang koponan kasunod ng pagdating ng naturalized player na si Bennie Boatwright mula China nitong Linggo.

Ang 6-foot-10 na si Boatwright, na pumalit sa injured na si Justin Brownlee, ay kasalukuyang naglalaro para sa Fujian Sturgeons sa Chinese Basketball Association.

Agad siyang sumabak sa ensayo ng Gilas.

Dumating ang Gilas sa Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia, bandang tanghali nitong Sabado. Sumunod ang isang oras na byahe sakay ng bus patungong Seremban.

Kasama ni coach Tim Cone at ng kanyang staff sina Kai Sotto, Dwight Ramos, CJ Perez, Kevin Quiambao, Scottie Thompson, Juan Gomez De Liaño, Chris Newsome at ang huling idinagdag na si Troy Rosario, na pumalit sa injured na si Rhenz Abando.

Direktang bumiyahe patungong Malaysia mula Japan sina Mike Philips, AJ Edu at Quentin Millora-Brown.

“We practiced in the evening right away and hope to meet AJ and the other guys (there),” pahayag ni Cone.

Makakaharap ng Gilas ang Syria sa Biyernes at Iran sa Linggo sa FIBA World Cup qualifiers.

Nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas tangan ang 4-4 kartada, kasunod ng Iran at Jordan na kapwa may 5-3 rekord.

Nangunguna sa Group E ang walang talong Australia na may 8-0 kartada, habang nasa ikalawang puwesto ang New Zealand (6-2).

Nasa ilalim naman ng standings ang Syria tangan ang 2-6 rekord.

“We’ll have a two-a-day practices with Bennie,” ani Cone. “That’s tough because he hasn’t been with us and hasn’t had any time at all. So we’re gonna have to try and figure out a way to make him effective within the system.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles