Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12327 na magbibigay ng voucher sa mga kwalipikadong estudyante mula kindergarten hanggang Grade 12 para makapag-aral sa mga kalahok na pribadong paaralan.
Saklaw ang mga mula sa middle-middle-income households pababa, na may prayoridad sa mahihirap at mababa ang kita.
Uunahin ang mga mula sa siksikang public schools o mga lugar na walang malapit na pampublikong paaralan. Kasama ang senior high students na walang malapit na public school na nag-aalok ng kanilang napiling subjects o electives.
DepEd ang magtatakda ng halaga ng voucher, na mas mataas para sa low-income households. Pwede itong dagdagan ng LGU, pribadong sponsor o scholarship provider para mapunan ang gastusin.
Dapat mabayaran ang mga kalahok na paaralan sa loob ng 60 araw matapos magsumite ng kumpletong dokumento. Sasailalim din sila sa regular na pagsusuri ng DepEd.
Nilagdaan ang batas noong November 12 upang makatulong sa kakulangan ng silid-aralan at pagsisiksikan sa public schools. /Bistado


