Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Boatwright, mangangapa sa unang sabak sa national team

Mayroon lang tatlong araw si Bennie Boatwright upang makasanayan ang sistema ng Gilas Pilipinas sa kanyang unang pagsabak para sa national team na lumalaban sa FIBA World Cup qualifiers.

Ayon kay national coach Tim Cone, diretsong tutungo sa Seremban, Malaysia mula China ang 30-anyos na bagong naturalized player sa Nobyembre 23.

Dahil dito, tatlong araw lamang ang ilalaan niya upang matutuhan ang sistema ng koponan bago ang unang laro kontra Syria sa Nobyembre 27.

Kasalukuyang naglalaro si Boatwright sa Chinese Basketball Association bilang miyembro ng Fujian Sturgeons.

“He’s due to come in and meet us in Kuala Lumpur on the 23rd, and that’s tough because he hasn’t been with us any time at all,” ani Cone.

“So we’ll have to try and figure out a way to make him effective within the system, try to tweak it, to make him effective. And that’s always difficult to do. Bennie may struggle a little bit.”

Gayunman, naniniwala si Cone na dahil sa malalim na kaalaman ni Boatwright sa laro, mabilis din itong makakaangkop sa sistema ng koponan.

“He’s a talented guy. He lends a lot of talent to the team and size. He’s a welcome addition,” ani Cone. “We’re hoping his talent will win out on them.”

Matapos ang laban kontra Syria, susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Iran sa Nobyembre 29.

Si Boatwright ang magiging ikatlong kasalukuyang naturalized player ng Gilas Pilipinas, kasunod nina Justin Brownlee at Ange Kouame.

Lalong lumala ang mga injury ni Brownlee sa tuhod at hamstring matapos ang finals ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup, kung saan nagkampeon ang Barangay Ginebra.

Na-naturalize naman si Malick Diouf para sa Gilas men’s 3×3 basketball team.

Ang 6-foot-10 na si Boatwright ay isa sa tatlong American import ng Fujian, kasama ang combo guard na si Javion Hamlet at guard na si Daryl Macon, na may karanasan din sa NBA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles