Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Maliliit na negosyo, target palakasin sa ASEAN digital push

Mas malawak na online selling at pagpasok sa merkado ng rehiyon ang target buksan para sa maliliit na negosyong Pilipino sa ilalim ng business agenda ng ASEAN.

Inilatag ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) ang pagpapabilis ng digital transformation at pagpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya sa pakikipagpulong sa mga lider ng ASEAN nitong Linggo.

Ayon sa Palasyo, nasa 99.6% ng mga rehistradong negosyo sa Pilipinas ang micro, small and medium enterprises (MSMEs), na nagbibigay ng humigit-kumulang dalawang-katlo ng mga trabaho.

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat magamit ng maliliit na negosyo ang mga kasunduan sa kalakalan upang makapagpalawak, mamuhunan at makipagkompetensya sa rehiyon.

“ASEAN has invested considerable effort in negotiating trade agreements, opening markets, and establishing common frameworks. These efforts will deliver their full value when businesses, particularly our MSMEs, can use them to expand, invest, and compete across the region,” ani Marcos.

Pinagtibay rin ng ASEAN ang deklarasyong naghihikayat sa mga kasaping bansa na gamitin ang artificial intelligence o AI upang matulungan ang MSMEs sa kanilang operasyon at paglago.

Kabilang dito ang pangako ng 11 kasaping bansa na pag-aralan, sa boluntaryo at flexible na paraan, kung paano magagamit ang AI sa mga negosyo. Kasama sa mga hakbang ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sektor.

Ayon kay Marcos, makatutulong ang ASEAN sa pagprotekta sa kabuhayan sa gitna ng tensiyong geopolitikal, pagkaantala sa supply chain at pagbabago sa teknolohiya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles