Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kris Aquino-James Yap, muling nagkita, nagkausap

Marahil daw ay tadhana na ang gumawa ng paraan sa tila aksidenteng pagkikita nina Kris Aquino at dati nitong asawang si James Yap.

Sa ginawang podcast ni Kris kasama ang anak nila ni James na si Bimby, nagkita-kita pala sila sa isang elevator ng isang hospital.

Ayon sa kuwento ng Queen of All Media, siya ang unang bumati sa dating asawa dahil aniya, ” I like this because I feel na it’s good to have love, love, love and peace on earth. Ako pa ‘yung nag-hello kasi nakita namin ‘yung tatay ni Bimb.”

Dagdag pang tsika ni Kris,  “They were holding the elevator for us actually tapos sabi ko, ‘Join us.’”

Nasa parehong ospital din daw  kasi ang doktor naman ng daughter ni James kung kaya’t naging maayos ang matatawag na chance encounter nila.

At dahil tila nawala daw yung “ilang” sa pagitan nila, naging kaswal ang kanilang pag-uusap.

“Uy, tangkad mo na,” bati daw ni James sa anak na si Bimb na sinagot pa nga daw ni Kris ng , ‘Yes, he’s taller than you.”

Tuwang-tuwa naman daw si Bimb  sa naging gesture ng ina dahil hindi daw nito naringgan ang ina na nagsalita ng kung anu-ano sa kanyang tatay.

Pero dahil kakaiba nga ang isang Kris Aquino, nagawa pa din daw nitong “maningil” kay James.

Ayon sa tsika ni Kris, ipinaalala daw nito kay James na isa na ngang Konsehal sa San Juan City na ten years na ang nagdaan since may maayos silang komunikasyon.

“May utang ka pa kay Bimb. You owe him a car,” ang kaswal pang paniningil nito sa dating basketbolista ng PBA.

Simple pero parang may “ilang”ding winika ni Bimb na hindi siya komprotable na pag-usapan ang mga ganun bagay. Sey nito, “Mama, I don’t feel comfortable and I’m earning na naman.”

Kaya very proud itong sinagot ni Kris na, “I feel proud of you kasi madali naman talagang—you were 8, so it’s been 11 years na—’wag na natin sabihin, but anyway, pwedeng-pwede ka… karapatan mo as his child to ask for something. “I’m happy for you because at least hindi na puro sa media dinadaan. Diretso na na kayong dalawa lang.”

Marami ang umaasang nang dahil sa naturang chance encounter nila ay magkakaroon na daw ng bukas na komunikasyon sa mag-ama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles