Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBB Collab 3.0, sumagot sa statement ng MTRCB

Sumagot ang ABS-CBN, franchise holder ng reality show na PBB (Pinoy Big Brother) ka-collab ang GMA 7, hinggil sa statement na inilabas ng MTRCB o Movie and Television Review Classification Board.

Ang nasabing pahayag ng MTRCB ay kaugnay sa mga reklamong natanggap nito tungkol sa ilang mga eksena at interaksyon sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0.”

Hindi man binanggit sa naturang statement ng MTRCB ang diumano’y natanggap nilang umabot na sa 100 mga reklamo, marami ang nag-aakalang may kinalaman ito sa mga usaping “bad breath, bad odor o putok, paggamit ng mga salitang may kinalaman sa “dumi o tae” at iba pang mga usaping para sa mga manonood at hindi na dapat ini-ere, ipinapakita at ginagawang topic on national television.

Ayon naman sa  ABS-CBN ay wala pa silang natatanggap na notice galing sa MTRCB tungkol sa mga reklamo. 

“Ngunit kami ay handang makipag-usap sa Board kapag kami ay ipinatawag,” saad nito sa kanilang inilabas namang statement.

Dagdag pang pahayag sa naging sagot nila sa MTRCB, “sa PBB, lagi naming itinuturo ang kahalagahan ng mabuting asal at paggalang sa kapwa. At sa paggabay ni Kuya, natutulungan ang mga housemate na mapag-isipan ang mga kilos at matuto sa kanilang mga karanasan.  Ang pangunahing layunin ng PBB ay mapangalagaan ang kapakanan ng mga housemates at ng bawat isa.

Patuloy na committed ang ABS-CBN sa responsableng self-regulation.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles