Dahil sa subpoena na inilabas ng NBI o National Bureau of Investigation laban kina Cristy Fermin at radio co-host nitong si Romel Chika (Romel Villamor) kaugnay ng kasong inireklamo ni Claudine Barretto, nagpakita sa naturang upisina sina Fermi at Villamor.
Matatandaang nag-file ng complaint ang aktres laban kina Fermin sanhi ng diumano’y malisyosong paraan ng pagbabalita ng mga ito sa kanilang radio show sa TV5 hinggil sa kundisyon ni Barretto kapag itoý nasa ospital.
Ayon kay Barretto, sa napakatagal umanong panahon ay hinayaan lang niya na lagi siyang laitin nina Fermin at lagyan ng malisya ang bawat galaw niya kapag siya ay nagpapagamot o may kundisyong pinagdadaanan sa buhay.
Pahayag naman ni Fermin na parte ng trabaho niya ang magbigay ng update sa mga nagtatanong na mga viewers at listeners nila hinggil sa kagaya ni Barretto na artista na may mga usapin sa buhay at iba pa.
Sa pagtungo nina Femrin sa NBI, sinabi nitong nirerespeto nila ang patawag ng NBI.
“Nandito kami para irespeto ang imbitasyon sa amin ng NBI. Hindi namin pwedeng balewalain yun. Hindi pa kami magbibigay ng aming sagot sa reklamo dahil ayon sa aming abogado, kapag naisampa o umakyat na lang sa Piskalya o sa Prosecutor’s Office, saka kami sasagot,” pahayag ni Fermin.
Nang tanungin ito hinggil sa pagbati dito ni Barretto ng Happy Halloween dahil nagsampa ng reklamo ang aktres noong All Saints/Souls Day, sagot ni Fermin, “Merry Christmas.”


