Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bacolod, handa na para sa Batang Pinoy Games

Handa na ang Bacolod City na pangunahan ang inaasahang pinakamalaking edisyon ng Batang Pinoy National Championships sa kasaysayan.

Kamakailan ay ginanap ang coordination meeting sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at mga opisyal ng lungsod upang talakayin ang malawakang paghahanda para sa paligsahan ng mga kabataan sa Disyembre 12 to 18.

Inaasahang aabot sa record na 35,894 na rehistradong kalahok mula sa mahigit 200 local government units (LGUs) sa buong bansa ang magtitipon sa tinaguriang City of Smiles ng Visayas.

Kabilang dito ang 27,763 atleta, 6,144 coach, at 1,987 opisyal na maglalaban-laban sa 30 sports disciplines.

Ang Batang Pinoy na pangunahing grassroots sports competition sa bansa ay para sa mga atletang may edad walo hanggang 15 taon.

Binigyang-diin ni PSC Chairperson Patrick Gregorio ang mahalagang papel ng Batang Pinoy bilang pundasyon ng programa sa pagpapaunlad ng palakasan sa bansa.

Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga bata na maranasan ang pambansang kompetisyon at matuklasan ang kanilang potensiyal sa murang edad.

“Sa Batang Pinoy nagsisimula mangarap ang kabataan. Sa Batang Pinoy naka suporta ang mga magulang. Iyan ang hangarin at diwa na gusto ng Philippine Sports Commission,’’ ani Gregorio.

“These championships help identify future members of our national teams and provide a pathway for young Filipinos to pursue excellence in sports.”

Natalakay na ng mga opisyal ang mga kinakailangang logistical arrangements sa coordination meeting na dinaluhan ng mga kawani ng PSC at ng Bacolod city government.

Naghanda ang lungsod ng 43 paaralan na may kabuuang kapasidad na 30,996 na higaan para sa mga bisita.

“The Batang Pinoy will be a game-changer for youth sports in Bacolod. Imagine thousands of young athletes competing at the biggest grassroots event right in our city,’’ ani Bacolod City Mayor Greg Gasataya.

“Our children will see firsthand what dedication, discipline, and excellence look like, and that kind of exposure can spark a lifelong passion for sports.’’

Tiniyak din ang seguridad sa buong paligsahan matapos ipangako ng Philippine National Police ang komprehensibong mga hakbang.

Magsisilbing pangunahing lugar ng mga kompetisyon ang Pana-ad Stadium.

Sa mga larong paglalabanan, nangunguna ang taekwondo na may 3,327 rehistradong atleta, kasunod ang aquatics (3,042), futsal (2,009), athletics (1,803), chess (1,582), arnis (1,435) at badminton (1,300).

Itinuro rin ni Gregorio ang malaking benepisyong pang-ekonomiya at panturismo na maidudulot ng pagho-host ng isang grassroots event na may malaking bilang ng mga kalahok.

“Sports tourism will be one of the biggest winners in Bacolod. For every young athlete who comes here, there is often a parent, guardian or family companion traveling with them,’’ ani Gregorio, na siya rin namumuno sa National Sports Tourism-Inter Agency Committee.

“That means the number of visitors can easily double, creating opportunities for local hotels, restaurants, transportation providers, and small businesses while showcasing Bacolod to thousands of families from all over the country.”

Sa inaasahang halos 36,000 accredited participants na dadagsa sa lungsod, inaasahan ng lokal na pamahalaan ang malaking pag-angat ng sektor ng turismo at hospitality.

“This is also a chance for Bacolod to shine on the national stage. We welcome this opportunity to showcase our rich culture, warm hospitality, and vibrant community while hosting one of the biggest youth sporting events in the country,” ani Gasataya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles