Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Flu-like illnesses, sumirit ng 31%; DOH nagbabala

Sumirit ng 31 porsiyento ang mga kaso ng influenza-like illnesses (ILI) sa Pilipinas sa loob ng dalawang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos ng DOH, umabot sa 15,042 ang mga kaso mula October 1 hanggang 14, kumpara sa 11,517 sa naunang reporting period.

Pinakamalaking pagtaas ang naitala sa Western Visayas, Mimaropa at Central Visayas, habang 17 lalawigan at highly urbanized cities sa 10 rehiyon ang isinailalim sa mas mahigpit na surveillance.

Gayunman, mas mababa pa rin ng 19 porsiyento ang kabuuang 139,013 kaso hanggang October 28, kumpara sa 171,506 noong 2025. Nanatili sa 0.06 porsiyento ang case fatality rate.

Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, katawan at ulo, at panghihina.

Sa paalala nitong Sabado, November 7, hinimok ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta kapag lumalala ang sintomas, lalo na kung nahihirapang huminga.

Pinayuhan din ang mga may sakit na magsuot ng face mask, magpahinga at umiwas sa matataong lugar, habang hinihikayat ang lahat na maghugas ng kamay at tiyaking maayos ang bentilasyon.

Samantala, nagpapatuloy ang flu vaccination drive ng DOH, partikular para sa senior citizens, maliliit na bata at iba pang madaling magkaroon ng malubhang komplikasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles