Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Associate Justice Rodil Zalameda bilang ika-28 Chief Justice ng Pilipinas, kapalit ni Alexander Gesmundo na magreretiro sa Biyernes, November 6.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano ang appointment nitong Huwebes, November 5.
Si Zalameda, 63, ang unang Chief Justice na pinili ni Marcos mula nang maupo bilang Pangulo noong 2022.
Kabilang siya sa limang nominado ng Judicial and Bar Council (JBC), kasama sina Marvic Leonen, Alfredo Benjamin Caguioa, Japar Dimaampao at Jose Midas Marquez.
Itinalaga si Zalameda bilang Supreme Court associate justice ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2019.
Bago ito, nagsilbi siya nang 11 taon sa Court of Appeals at naging Mandaluyong City Prosecutor noong 2002.
Nagtapos siya ng abogasya sa Ateneo de Manila University noong 1987 at pumasa sa Bar examinations noong 1988.
Ayon kay Cayetano, pinili ni Marcos si Zalameda dahil sa kanyang karanasan at kakayahang pamunuan ang hudikatura nang may integridad.
Papalitan niya si Gesmundo, na magreretiro sa mandatory retirement age na 70 matapos ang mahigit limang taon bilang Chief Justice. /Bistado


