Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ex-law dean, tumangging tumestigo para kay VP Sara

Tumangging maging testigo ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang dating law dean na si Ralph Sarmiento, dahilan upang kuwestiyunin ni House Lead Prosecutor Gerville “Jinky Bitrics” Luistro kung kinausap muna siya ng depensa bago humiling ng subpoena.

Nakatakda sanang maging unang testigo si Sarmiento, dating dean ng University of St. La Salle College of Law, sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa November 9.

Inaasahan siyang tatalakay sa mga usaping konstitusyonal kaugnay ng Article II o alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte.

Gayunman, tumanggi siyang tumestigo para sa alinmang panig upang mapanatili ang kanyang pagiging independent at impartial bilang constitutional law professor at legal analyst.

Hiniling din niyang bawiin ang subpoena request o iparecall ito kung naisyuhan na.

Nag-react naman si Luistro sa naging posisyon ni Sarmiento. “Sobrang napahanga ako,” ani Luistro sa isang panayam nitong Huwebes, November 5.

“I’m quite surprised na it seems that the defense did not reach out to him prior to filing the motion for issuance of subpoena to this witness,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Luistro na makabubuti sa prosekusyon kung mismong si Duterte ang haharap sa witness stand.

“To be very honest, kung a-appear si Respondent Vice President, it will be to the advantage of the prosecution,” aniya.

“Sometimes she loses control of what she says,” dagdag ng prosecutor.

Iginiit din niyang nakabatay sa mga dokumento ang ebidensya ng prosekusyon, kabilang ang financial records at income tax returns nina Duterte, asawang si Atty. Manases Carpio at kanilang mga umano’y kumpanya.

Batay sa pagsusuri ni forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera, tinatayang P817.87 milyon ang umano’y undeclared assets at unexplained wealth na iniuugnay sa mag-asawa mula 2022 hanggang 2025.

Nananatiling hindi pa napapatunayan sa impeachment court ang mga alegasyon laban kay VP Duterte. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles