Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

58th, nakarating na rin sa New York!  

Literal na malayo na ang narating ng award-winning documentary film ng GMA Public Affairs na 58th dahil umabot na rin ito sa Amerika!  

Nitong Nobyembre 2 at 3, mainit itong tinanggap ng Filipino community sa New York. Bago nito, ipinalabas din ang dokumentaryo sa Glendale, California, mula Oktubre 23 hanggang 29.  

Nagdaos din ng dinner party sa kanyang tahanan sa Beverly Hills ang Filipino-American Emmy Award-winning host na si Lisa Lew para sa mga tao sa likod ng nasabing pelikula, tulad ni 58th director Carl Joseph Papa, writer Aica Ganhinhin, at animator Jan Brillantes.

Dumalo rin si Reynafe Castillo, anak ni Bebot Momay na itinuturing na ika-58th victim ng Maguindanao Massacre.  

Patunay lamang ito na patuloy nang naaabot ng 58th ang mas maraming manonood, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Suportado rin ng Film Academy of the Philippines ang 58th sa bid nito para sa Best Documentary Feature Film category sa 99th Academy Awards o Oscars.  

Marami pang overseas Filipinos ang umaasang mapapanood din ang award-winning documentary sa kani-kanilang mga bansa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles