Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vilma Santos, celebrates 73rd birthday; may special “VIP” soon!

National Artist Ricky Lee at Ate Vi, may VIP film soon… mula sa FB

Dinagsa ng kanyang mga supporters at fans ang social media ng matindi at masigabong pagbati sa mismong ika-73 kaarawan ng nag-iisang Star For All Seasons, Vilma Santos-Recto nitong Nov. 3.

Nakabalik na ang magiting na Batangas Governor sa kanyang ilang araw na bakasyon somewhere in East Asia nitong Undas, kasama ang ilang mga mahal sa buhay at kaibigan at agad itong rumatsada sa kanyang mga gawain sa Batangas province.

Nakagawian na ni Gov. Vi na libutin ang buong Batangas para dalhin sa kanyang mga nasasakupan ang mga serbisyong kaagapay ng kanyang HEARTS program ( Health-Education/ Environment/Employment- Agriculture-Roads & Infrastructures- Tourism/Technology- Security-Social Welfare at mga nakakabit ditong related programs). 

Kaya naman wala talagang mga lugar sa naturang lalawigan ang masasabing napag-iiwanan ng mga serbisyong Gov. Vi, kasama ang kanyang mga ibang halal na opisyal at LGU officials.

Subalit sa gitna ng lahat ng mga ito ay hindi pa rin talaga kayang talikuran ni Ate Vi ang kanyang pagiging isang Star for All Seasons, box-office queen, grand slam Best Actress at ngayo’y longest reigning movie queen ng showbiz industry.

Sa katatapos lang na pagpaparangal sa kanya ng Star Awards for Movies ay diretsong tinuran ni Ate Vi na mayroon silang pinag-uusapang “Very Important Project (VIP)” na gagawin ni National Artist Ricky Lee.

ang aabangang special film project nina Ate Vi at Dolly de leon sa panulat ni Ricky Lee… photo courtesy of publicist Ambet Nabus

Ayon nga sa PR-publicist ng aktres na si Ambet Nabus, almost two years na nila itong pinag-uusapan nina Ricky, ate Vi, kasama ang ngayo’y Hollywood sensation na si Dolly de Leon at mga producer na susugal sa kanilang pagsasama.

“Talagang si Vi ang nasa isip ko ng sulatin ko ang script. Sa kanya talaga ang project at base sa pagkakakilala ko sa kanya at sa husay niya, siya lang ang pwedeng gumawa noon. Alam kong marami pa siyang ibibigay at ilalabas na husay. Wish kong makagawa pa siya ng maraming makabuluhang pelikula,” sambit ni Ricky.

Saad naman ng Star for All Seasons, “gagawin ko iyan. Timing lang talaga. Sabi ko nga Kay Ricky, huwag niyang ibibigay sa iba. Akin iyan. Gagawin natin iyan.” 

Ang naturang project ay may tema ng pagkakaibigan, plight ng mga kababaihang nagtrabaho at nanirahan sa abroad noong mga panahong ang Pilipinas ay nagsisimulang bumangon mula sa giyera hanggang sa abutan ng kasalukuyang panahon, usapin sa pagmamahal sa bayan at pamilya at iba pang mga isyu na tila “nakalimutan at kinalimutan” na ng kasaysayan.

“Bagay na bagay ka Vi ang proyekto. Naiiba ito sa napakarami ko ng sinulat na scripts at ginawa na naming mga pelikula. Sana nga ay magawa na namin ito soon, ” hirit pa ng National Artist for Film and Broadcast.

Sambit din ni Dolly de leon, “naku, kahit busy ako at maraming mga projects sa Hollywood, uunahin kong gawin iyan. Hindi lang dream come true para sa akin na makasama ang nag-iisang Vilma Santos. Isa itong legacy project na pwede kong ipagmalaki sa buong mundo.” 

Samantala, tila magkakaroon naman ng month long celebration ang birthday month ni Ate Vi dahil ayon sa aming nakalap na impormasyon, may mga inihandang programa ang bawat bayan sa Batangas para sa kanyang pag-oopisina sa mga lugar nila, at may mga skedyul naman ang mga kaibigan at tagahanga niya sa showbiz na may mga espesyal ding programang inihanda para sa kanya.

Mula po dito sa BISTADO, bumabati po kami ng Maligaya at Masayang Kaarawan, Gov. Vilma Santos-Recto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles