Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Malacañang: Mahigit 1,000 dagdag na bus, pinayagang bumiyahe para sa Undas

Mahigit 1,000 special permits ang inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa karagdagang mga bus na magsasakay ng mga biyaherong uuwi sa probinsya ngayong Undas.

Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang video message bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa pagdagsa ng mga pasahero para sa All Saints’ Day at All Souls’ Day sa November 1 at 2.

“Tinitiyak natin na may sapat na masasakyan ang ating mga kababayan. Nagbigay na ang LTFRB ng mahigit isang libong special permits para sa mga dagdag na bus,” ani Marcos.

Kasabay nito, nagsasagawa rin ang Department of Transportation (DOTr) at mga kaugnay na ahensya ng inspeksyon sa mga paliparan, pantalan at bus terminal upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon sa Malacañang, layunin ng mga hakbang na maiwasan ang kakulangan ng masasakyan at matiyak ang maayos na biyahe ng mga Pilipinong uuwi sa probinsya o dadalaw sa mga sementeryo ngayong Undas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles