Marami din ang nanghihinayang sa hindi pagkapanalo ni Jericho Rosales bilang Best Actor sa katatapos lang na 74th FAMAS awards night last October 26.
Bukod kay Maris Racal sa kategoryang Best Actress, si Rosales din sana ang magiging bagong Aktor na mananalo nito gaya ng mga nauna na sa kanyang sina Philip Salvador, Christopher de leon, Piolo Pascual (Supporting category) at Jiro Manio.
Para sa pelikulang QUEZON, tungkol sa life story ni dating Philippine President Manuel L. Quezon, napagwagian ni Rosales ang top plum sa mga award-giving bodies na Gawad Urian (tied with Carlo Aquino), The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice), Gawad PASADO (Educators/Professors group), PMPC Star Awards for Movies (Showbiz Writers etc), at sa Manila International Film Festival.


Ang dating Hashtag member at ngayo’y nakikilala ding young character actor na si Mccoy de leon ang nakapagpahinto ng “win” ni Rosales sa nasabing kategorya.
Nanalo si de leon para sa kanyang naging mahusay na portrayal bilang Father Rhoel Gallardo sa pelikulang “In Thy Name.”
Kung pampapalubag loob namang matatawag ang pagbibigay kay Rosales ng special honors ng FAMAS bilang Shining Icon at Male Star of the Night, mabawasan man lang daw ang anumang sama ng loob nito sa pagkaka-bulilyaso ng grand slam score.
Gaya din ni Maris Racal na binigyan ng FAMAS Distinction Award imbes na Best Actress, marami din ang kumukwestyun sa mga kakaibang panuntunan ng FAMAS.
Sigaw nga ng mga showbiz insiders, “kahit kailan talaga, lagi na lang may kakaibang gulo at iskandalo sa grupong iyan. Nawawala tuloy ang kredibilidad.”


