Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – October 27

♈ ARIES (March 21–April 19) – Malakas ang temptation na mamili, pero mas mabuting kontrolin muna ang gastos at essentials lang ang bilhin. Iwasan ang impulsive purchases at suriing mabuti kung talagang kailangan ang isang bagay. Pabor naman ang interesting na usapan mamayang gabi.

♉ TAURUS (April 20–May 20) – Medyo pabago-bago ang isip mo at maaaring hindi mo alam kung ano ang susunod na gagawin. Pabor ito sa creativity at lighthearted socializing, pero hindi sa seryosong financial decisions. Mag-enjoy muna at balikan ang money matters kapag mas malinaw na ang isip.

♊ GEMINI (May 21–June 20) – Huwag umasa nang todo sa kutob dahil maaari ka nitong iligaw ngayon. Maging alert sa delays at simpleng pagkakamali sa trabaho. Ipagpaliban muna ang shopping at mahahalagang desisyon, pero maging handa dahil mas papabor sa iyo ang gabi.

♋ CANCER (June 21–July 22) – Magandang araw para makipag-bonding sa friends, groups at mga bata. Mae-enjoy mo rin ang sports at masasayang lakad. Posibleng bumalik ang isang old flame—ikaw ang makakapagsabi kung exciting ba ito o dagdag problema.

♌ LEO (July 23–August 22) – Kapansin-pansin ka ngayon kaya madaling mapuna ng iba ang bawat kilos at desisyon. Huwag munang gumawa ng move na maaari mong pagsisihan dahil magiging public din ang resulta nito. Maghintay hanggang mas malinaw ang sitwasyon bago kumilos.

♍ VIRGO (August 23–September 22) – Mag-explore, maging turista sa sariling lugar at matuto ng bago. Pabor din ang pakikipagkuwentuhan sa kapitbahay o mga taong mula sa ibang kultura. Iwasan lang ang shopping at mahahalagang desisyon. Magandang impression ang maiiwan mo sa iba.

♎ LIBRA (September 23–October 22) – Mag-ingat sa usapang shared property, taxes, utang, inheritance at insurance. Maaari kang magsaliksik at ayusin ang impormasyon, pero huwag munang pumasok sa financial negotiation o gumawa ng final move. Maghintay ng mas tamang timing.

♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Maaaring magkaroon ng mixed signals at misunderstanding sa partner, asawa o close friend. Huwag agad mag-assume na pareho kayo ng pagkaintindi sa usapan. Pinakamahalaga, huwag munang mag-volunteer o pumayag sa anumang malaking commitment.

♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Masayang makikita o makakausap muli ang old friends at dating grupo. Sa trabaho at daily tasks, maaaring hindi kasingbilis ng dati ang kilos mo. Mag-research, mangalap ng impormasyon at maghanda, pero huwag munang gumawa ng major action.

♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Napakaganda ng araw para sa creativity at paggawa o pag-appreciate ng art. Pabor din ang socializing, activities kasama ang mga bata at sports events. Mag-enjoy nang walang guilt, saka ayusin ang schedule at responsibilities mamayang gabi.

♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Mas makabubuting mag-relax sa bahay at manatiling low-key. Huwag mag-volunteer sa dagdag na family responsibility o pumayag sa importanteng bagay. Sumabay muna sa agos at saka makipag-socialize kapag mas magaan na ang mood.

♓ PISCES (February 19–March 20) – Gusto mong lumabas, magbahagi ng ideas at kumbinsihin ang iba sa iyong pananaw. Maganda ang energy para sa kuwentuhan o pagtuturo, pero huwag hahantong sa commitment na pagsisisihan mo. Makinig din bago mangako at mag-relax sa bahay mamayang gabi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles