Kilala ang isang sikat na aktor hindi lang bilang isang award-winner performer kundi bilang mahusay magsalita at pinaniniwalaan ng industriya.
Subalit nagtataka ang marami ngayon kung bakit sa mga panahong hinihintay ng maraming umaasa na marinig ang kanyang tinig, bakit daw tila ngayon pa nabahag ang buntot nito?
Simple lang ang tsika.
Ang sikat na aktor ay isa sa mga celebrities na laging may POV o mga statement na inilalabas kapag may mga isyu sa industriya ng showbiz at kahit na sa mga usapin sa gobyerno.
Noong kasagsagan ng mga usapin sa flood control, isa si sikat na aktor na nangunguna sa pagkondena sa mga pulitikong sangkot umano sa isyu.
May mga pagkakataon pa ngang naaanyayahan pa siyang maging bisita sa mga coffee talks o media conferences kapag may mga celebrities from various fields na involve sa mga kaugnay na usapin.
Noong minsan na maging pulutan ng isang Mambabatas ang kanyang naging leading lady nang dahil sa isyung “pagnanasa at kaseksihan,” harap-harapan ang naging pagtatanggol ni sikat na aktor sa kaibigan at kasamahan sa industriya.
At ngayong mayroon siya uling isang kasamahan na inaakusahan ng hindi pag-alis sa ipinahiram lang na tirahan at mga luxury items na diumano’y hindi na rin isinasauli, marami ang umaasang mangunguna si sikat na aktor sa pagbibigay ng pahayag.
Besides, ayon pa rin sa mga taga-inner circle sa showbiz, maituturing niyang “younger brother” ang personalidad na pinupukol ng iskandalo sa ngayon dahil hindi lang niya ito nakakasama sa mga film and TV projects, bagkus ay nakaka-sosyo pa pala sa mga negosyo kasama na ang mga “relevant items” concerning the welfare of the industry workers, and the like.
“His silence is deafening. Medyo hindi normal sa isang gaya niyang lider at may influence sa industry, ” ang tanong ng netizens.
Hanggang may mga Marites at intrigerang naghalungkat sa kanilang mga baul na si sikat na aktor at mahusay sa POV at lider sa industry pala ay minsan na ding dumaan sa halos parehong “iskandalo” na pinagdadaanan ng younger celebrity sa ngayon.
Ayon pa sa kumakalat na tsika, si sikat na aktor din daw pala ay na-involve din sa mga personalidad na nasa “who’s who list” ng bansa pero bonggang “eroplano” at mga gayang luxury vehicles naman ang sangkot.
Nakakalokah, pero if ever mang may katotohanan umano ang tsikang ito, mapapa-wow ka na lang pala talaga dahil masasabing ginamit o nagamit din pala ni sikat na aktor ang kanyang status to having those items nang dahil sa mga tila “naglalaro” lang na mga ‘who’s who’ ng bansa.


