Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Swimmer na si Ajido, flag-bearer sa Dakar Youth Olympics

Ang swimming standout na si James Ray Mishael Ajido ang magiging flag-bearer ng maliit na delegasyon ng Pilipinas sa opening ceremony ng 4th Youth Olympic Games (YOG) sa Dakar, Senegal sa Oktubre 31.

Si Ajido, 16, at walo pang atletang Pilipino ay sasabak sa anim sa 25 sports sa Dakar. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa kontinente ng Africa ang isang kompetisyon sa ilalim ng Olympic Games.

“The YOG are as tough as the Summer Olympics,” pahayag ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, na lilipad patungong Dakar ngayong linggo bago ang opening ceremony sa Abdoulaye Wade Stadium sa Diamniadio.

Tampok sa seremonya ng pagbubukas ang kultura at musika ng bansang punong-abala sa ilalim ng temang “Africa Welcomes, Dakar Celebrates.”

Ang advance party ng Team Philippines, na pinamumunuan ni chef de mission Rocky Samson, secretary-general ng Philippine Taekwondo Association, ay naglakbay nang 29 na oras patungong Senegal nitong weekend.

Halos 3,000 atleta, na hindi lalampas sa edad na 17, mula sa 203 bansa ang maglalaban-laban sa loob ng dalawang linggo.

Sasabak sina Ajido at Riannah Chantelle Coleman sa mga kompetisyon sa swimming simula Nobyembre 1. Sa araw din iyon sisimulan ni Angel Polo ang kanyang kampanya sa wushu sa women’s taijiquan combined event.

Magsisimula naman ang artistic gymnastics sa Nobyembre 7, kung saan kakatawanin nina Tchelzy Maayo at Hilarion Palles III ang Pilipinas.

Susundan ito kinabukasan ng pagsabak ni Maritanya Krog sa cycling, partikular sa women’s road race at individual time trial.

Magsisimula ang athletics sa Nobyembre 8, kung saan nakasalalay ang pag-asa ng Team Philippines kina Pi Durden Wangkay sa men’s 200m at Naomi Marjorie Caesar sa women’s 800m.

Ang ikasiyam na atletang Pilipino na si Jade Justine Justiniane ay magsisimula naman sa kanyang kampanya sa windsurfing sa ilalim ng sailing sa Nobyembre 8.

Dalawang medalya na ang nakuha ng Pilipinas sa YOG. Nagwagi si Luis Gabriel Moreno ng gintong medalya sa mixed international team event ng archery kasama ang pambato ng China na si Li Jiaman noong 2014 sa Nanjing.

Samantala, nagkamit ng pilak na ang Filipino-Norwegian na si Christian Tio sa boys’ twin-tip racing ng kiteboarding noong 2018 sa Buenos Aires, Argentina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles