Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

4 PAF pilots patay sa banggaan ng 2 eroplano sa Batangas; DND nag-imbestiga

Iniimbestigahan na ng Department of National Defense (DND) ang banggaan ng dalawang SF-260 trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Lipa City, Batangas na ikinasawi ng apat na piloto noong Biyernes, October 23.

Naganap ang mid-air collision bandang 3:51 p.m. habang nagsasagawa ng routine training flight sa Fernando Air Base.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Alvin Jay Capinguian, parehong bumagsak ang dalawang eroplano sa loob ng air base at wala nang ibang naiulat na nasawi.

“Both aircraft went down within the base perimeter, with no other casualties reported,” ani Capinguian.

Kinilala ang mga nasawing piloto na sina Capt. Raymart Cabangcala ng Pangasinan, 1st Lt. Angeleo Adrian Peñaflor ng Cagayan, Capt. Ma. Melvin Acebuque ng Baguio City at Maj. David Joshua Rojo.

Bilang pag-iingat, pansamantalang pinahinto sa paglipad ang lahat ng natitirang SF-260 aircraft ng PAF.

“An investigation is ongoing and will be conducted thoroughly and objectively to establish the facts, determine the causes, and identify any gaps that require corrective action and prevent similar tragedies,” ayon sa DND nitong Lunes, October 26.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PAF sa mga naulilang pamilya ng apat na piloto para sa kaukulang tulong. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles