Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Bato Dela Rosa mas ligtas sa Pilipinas kesa magtago sa abroad – Sen. Lacson

Mas ligtas sa Pilipinas si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kesa tumakas sa ibang bansa dahil mas malaki ang posibilidad na maaresto siya sa abroad habang may nakabinbing arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Sa panayam sa radyo nitong Lunes, October 26, nagbabala si Lacson na maaaring mas mapahamak si Dela Rosa kung magtatangkang magtago sa ibang bansa.

“Pag pumunta siya sa ibang bansa, mas exposed siya. Mas madali siya mahuhuli doon,” ani Lacson.

Paliwanag ng senador, maaaring umiwas sa pag-aresto sa ibang bansa ang mga may warrant mula sa korte sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpunta sa mga bansang walang extradition treaty sa gobyerno.

Pero iba aniya ang sitwasyon kapag ICC ang naglabas ng warrant.

“Pero kung ang warrant mo sa ICC, eh wala kang susuotan. Mas safe ka pa sa Pilipinas,” giit niya.

Sa ilalim ng Rome Statute, karaniwang obligadong makipagtulungan ang mga bansang miyembro ng ICC sa pag-aresto at pagsuko ng mga wanted na indibidwal, alinsunod sa kanilang legal procedures.

Maaari ring humingi ng tulong ang ICC sa mga bansang hindi miyembro, bagaman hindi awtomatikong obligado ang mga ito na makipagtulungan.

Naglabas ang ICC ng confidential arrest warrant laban kay Dela Rosa noong November 6, 2025, na isinapubliko noong May 11, 2026.

Iniuugnay ang dating Philippine National Police chief sa mga alegasyon ng crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-alok na rin ang pamahalaan ng P50 milyong reward para sa impormasyong magreresulta sa kanyang pagkakaaresto. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles