Kung pag-uusapan nga daw ang napapabalitang “baby bump” ni pop royalty Sarah Geronimo, mukha nga daw na nasa 4th to 5th month na ito ng pagiging soon to be mother.
Sa kanyang socmed podcast in her account @justsarahgph, makikitang masayang nag-de-demo si Sarah ng kanyang cooking skills.
Viral na ngayon ang naturang video na itinuturing nga ng kanyang mga fans/supporters bilang pag-launch na din kanyang [pagbubuntis na inabangan na ng marami since ikinasal siya kay Matteo Guidicelli.
“It’s about time. Ilang years na din silang nagsasama. Super nakaka-excite ang magiging produkto ng kanilang pagmamahalan,” sambit ng mga Popsters.
Sa naturang video ay muling makikita na nakasuot ng maluwag na yellow polo blouse si Sarah, over a white sando habang magiliw sa kanyang pag-ba-blog ng alam niya sa pagluluto at mga alam niya sa kusina.
Balita ngang medyo maselan daw ang pagbubuntis ng pop royalty kaya’t nauunawaan daw ng marami kung bakit sobrang maingat ito sa ngayon at iniiwasan ang magkaroon ito ng sobrang exposure sa public o closer encounter kaya.
Pero dahil mahal na mahal daw ni Sarah ang publikong nagluklok sa kanya bilang pop royalty, hindi naman daw ito nagmamaramot sa pagbibigay ng update sa kanyang kondisyon.
“Basta what you see is what you get. Let’s just all pray for her good well-being and for her future role as a mother. Samahan na lang natin sila sa kanilang very exciting journey,” dagdag pa ng mga netizen.


