Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Palasyo: Pabilisin ang pag-aresto kay Sen. Bato Dela Rosa

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas mabilis at agresibong pagkilos ng pulisya para maaresto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na may P50 milyong patong sa ulo at idineklarang most wanted person ng bansa.

“Mas mabilis at agresibong pagkilos ng mga pulis — ’yan ng utos ng Pangulo. Ipatupad ang batas at hulihin ang dapat na hulihin,” ani Palace Press Officer Claire Castro nitong Sabado, October 24.

Nauna nang nag-alok ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P50 milyong reward para sa pagkakahuli ng senador, na itinuring nitong “armed and dangerous.”

May arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Huling nakita sa publiko ang dating Philippine National Police chief sa Senado noong May. Binigyan siya ng mga awtoridad ng isang linggo para sumuko.

Nanawagan naman ang Senate minority bloc na makipag-ugnayan ang pamahalaan sa abogado ni Dela Rosa para sa mapayapang pagresolba sa usapin habang iginagalang ang kanyang mga karapatan.

Gayunman, sinabi ni Castro na naiwasan sana ang sitwasyon kung sumuko ang senador sa halip na umalis sa Senado sa tulong umano ng ibang tao.

“Kung walang nagplanong magpaangkas o magpasakay ng libre sa pagtakas ni Sen. Bato mula sa gusali ng Senado at isinuko na lang sana siya kay (DILG) Sen. Jonvic (Remulla) ay hindi ito hahantong sa ganitong paglalagay ng PHP50 million bounty sa paghuli kay Sen. Bato,” ani Castro.

Binigyang-diin din niyang walang dapat mamatay sa operasyon, ngunit hindi uurong ang pulisya sa pag-aresto.

“Walang dapat mamatay sa pagganap sa tungkulin ng mga pulis para maaresto si Sen. Bato, kaya huwag na silang magmatigas dahil hindi aatras ang kapulisan natin,” giit niya.

“Tumatakbo ang bawat minuto, dapat mas mabilis na pagkilos. Suportado ng Pangulo ang hakbang ng DILG, DOJ at mga law enforcer,” dagdag ni Castro. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles