Usap-usapan ngayon ang pagpasok ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa Book 2 ng high-rating na seryeng The Master Cutter: Anak ng Sinulid.
Feeling blessed ang aktor dahil makakasama niyang muli ang malalapit na kaibigan tulad ni Jo Berry, kaya nagmistulang reunion project nila ito matapos ang Atty. Lilet Matias: Attorney-at-Law.
Kaabang-abang din ang magiging role ni Tom sa serye, kung saan hinuhulaan na ng mga netizens kung kalaban ba siya o kakampi ni Atoy (Dingdong Dantes).
Sey ng ilang netizens “Mukhang kontrabida Yan hehe nagkatawang tao lang Yan c Gargan”. Maaalalang kontrabida ang naging role nito sa fantaseryeng Sang’gre.
Samantala, sunod-sunod ang projects ni Tom dahil kasama rin siya sa Whispers From Heaven na pagbibidahan naman ni Bea Alonzo.
Ang bongga talaga ng career ni Tom, ha! Abangan siya sa The Master Cutter: Anak ng Sinulid sa Netflix at GMA Prime.


