May usapang kompromiso sa kampo ng isang mataas na opisyal, mga kabisto (itatago natin pangalan pero jusko naman kung di nyo gets): tanggapin ang conviction, bitawan ang puwesto—basta puwede pa ring tumakbo sa 2028.
Aba, may guilty verdict pero may comeback package?
Hindi pa beripikadong may pormal na alok mula sa kampo. Pero ang posibilidad ng ganitong kasunduan, tinanggihan na ng mga prosecutor.
Ang paninindigan nila: magkasama ang pagpapatalsik at diskwalipikasyon kapag nahatulan. “And” ang nasa Konstitusyon, hindi “or,” diin ng lead prosecutor.
Hindi pala puwedeng piliin ang parusang convenient sa campaign calendar.
Kasalukuyang nakatuon ang paglilitis sa umano’y unexplained wealth. Pero sa lumulutang na scenario, tila mas mahalagang maisalba ang susunod na kandidatura kaysa ang kasalukuyang upuan.
Kung totoo ang diskarte, hindi pagreretiro ang balak. Political leave lang—may target na balik-trabaho!
Clue? Pangalawa sa pinakamataas na puwesto, pero unang puwesto ang puntirya sa susunod na halalan. Also known as munting bratinella.
Uy reminder ha: Ang pananagutan, hindi layover bago mag-2028.
Yun na. Bistado!


