Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Duterte ally itinurong ‘mastermind’ sa P3.5-B Laos drug shipment; PDEA naghahanda ng kaso

Itinuro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating mambabatas ng Bangsamoro at matagal nang political ally ng pamilya Duterte bilang isa sa mga umano’y mastermind sa tangkang pagpupuslit ng P3.5 bilyong halaga ng shabu mula Laos patungong Pilipinas.

Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs nitong Huwebes, October 22, kinilala ni PDEA Director General Isagani Nerez si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang, alyas Sultan, bilang isa sa mga pangunahing personalidad sa operasyon.

“Not as a mere financier, but among the key players, the mastermind,” ani Nerez, batay sa affidavits na nakuha ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Lumabas ang impormasyon matapos usisain ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima kung si Rimbang ang pangunahing person of interest sa imbestigasyon.

Tinanong din ni De Lima kung nakapanayam na si Rimbang o nakakuha ng kanyang affidavit.

“Not yet, ma’am. We are still in the process of getting the affidavits of others before we go to him,” sagot ni Nerez.

Itinalaga si Rimbang bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Tumakbo rin siya sa ilalim ng PDP-Laban, partidong iniuugnay sa pamilya Duterte, noong 2026 Bangsamoro parliamentary elections ngunit natalo.

Nauna nang kinilala ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang matagal nang political ties ni Rimbang sa mga Duterte, ngunit nilinaw na walang nakitang ebidensyang nag-uugnay sa pamilya sa drug shipment.

Ayon kay Nerez, may nakalap nang ebidensya laban kina Rimbang at Abdulkarim Macalatas, ang umano’y tatanggap ng droga sa Manila.

“At the moment, we have already solid evidence to say that Rimbang and Macalatas are involved in this incident,” ani Nerez.

Gayunman, kailangan pa ng transaction records na may kaugnayan kina Police Master Sgt. Aileen Jayne Manalo Mendoza, dating airline pilot Rioklyn Pizarras Toledo at Malaysian company na nagbigay ng chartered aircraft.

Kailangan ding makuha ang opisyal na investigation records mula Laos sa pamamagitan ng government channels para magamit bilang ebidensya sa korte sa Pilipinas.

Nag-alok naman ang Department of Justice ng tulong sa pagkuha ng mga dokumento sa pamamagitan ng Office of the State Counsel.

Kinumpirma rin ni Nerez na may iisang listahan ng persons of interest ang PDEA at PNP-CIDG, na nakapag-imbita na ng hindi bababa sa 21 indibidwal para magbigay ng pahayag.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakasamsam noong October 1 ng 521 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon sa Luang Prabang International Airport sa Laos.

Ayon sa mga imbestigador, nakatakda sanang dalhin ang droga sa Manila gamit ang chartered private jet.

Si Rimbang ang itinuturong financier, si Macalatas ang umano’y consignee, si Mendoza ang sinasabing nag-ayos ng pagdating at hangar access ng eroplano, at si Toledo ang umano’y kumuha ng aircraft.

Sa ngayon, wala pang naaaresto o nasasampahan ng kaso sa Pilipinas sa mga tinukoy na persons of interest kaugnay ng Laos drug shipment. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles