Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DMW: P3-B pondo para sa repatriation, ayuda sa OFWs sapat hanggang katapusan ng 2026

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na sapat hanggang katapusan ng 2026 ang P3-bilyong supplemental budget para sa pagpapauwi at pagtulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa kanselasyon at pagkaantala ng flights sa Saudi Arabia.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ginagamit ang pondong inilaan noong July para sa repatriation, pamasahe, financial assistance at pansamantalang matutuluyan ng mga apektadong OFW.

“Malaking bagay po ang ₱3 bilyong supplemental budget na ipinagkaloob ng Pangulo dahil ito ang ginagamit natin ngayon para pondohan ang ating mga operasyon, kabilang ang repatriation efforts sa Saudi Arabia,” ani Cacdac.

Kabilang sa mga tinulungan ang OFWs na nakansela ang Riyadh-Manila flights, mga pasaherong patungong Riyadh na nailihis sa Jeddah, at mga manggagawang na-stranded sa Manila matapos makansela ang kanilang biyahe.

Ayon kay Cacdac, may mga OFW mula sa mga lalawigan na nakarating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngunit hindi nakalipad patungong Riyadh.

Dahil dito, nagbigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pangunguna ni Administrator Patricia Yvonne Caunan, ng accommodation assistance mula sa emergency repatriation fund.

Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga OFW na nangangailangan ng tulong, patuloy ang DMW at OWWA sa pagbibigay ng financial at accommodation assistance habang inaayos ang kanilang mga biyahe.

“Tinitiyak natin na may sapat na pondo upang maipagpatuloy ang mga kinakailangang operasyon hanggang sa katapusan ng taon,” ani Cacdac. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles