Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA humirit ng P198.4-B vs super El Niño, pagtaas ng gastos sa pagsasaka

HUMINGI ng P198.4 bilyon ang Department of Agriculture (DA) sa Senado para sa 2027 habang nagbabala sa banta ng super El Niño, pagtaas ng presyo ng gasolina at pataba, at pandaigdigang krisis na maaaring magpahirap sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaaring maapektuhan ang hanggang 4.6 milyon sa 10.4 milyong Pilipinong nasa sektor ng agrikultura sa worst-case scenario.

“Today, we seek your support for the Department of Agriculture’s proposed 2027 budget at a time when our farmers and fisherfolk face a perfect storm,” ani Tiu Laurel.

“We cannot demand cheap food while leaving farmers struggling to afford to produce it,” dagdag niya.

Prayoridad ng DA ang de-kalidad na binhi, pataba, makabagong teknolohiya, farm-to-market roads, cold storage at post-harvest facilities para mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka.

Palalakasin din ang disaster preparedness at biosecurity para mabawasan ang pinsala ng tagtuyot, pagkasira ng ani at mga sakit sa pananim.

Ayon sa DA, bumaba sa 7.9 porsiyento noong 2025 ang kontribusyon ng agrikultura sa ekonomiya mula 10.1 porsiyento noong 2020, bagaman isa sa bawat limang trabaho sa bansa ay mula pa rin sa sektor.

Sinabi naman ni Agriculture Undersecretary Asis Perez na mangangailangan ng P1.2 trilyon para mapatubigan ang karagdagang 1.2 milyong ektarya ng sakahan at P50 bilyon para sa post-harvest facilities.

Binigyang-diin ni Tiu Laurel na kailangang maramdaman ng maliliit na magsasaka at mangingisda ang resulta sa pamamagitan ng mas mataas na kita, mas kaunting nasasayang na ani at abot-kayang pagkain.

“A nation cannot eat budget figures,” ani Tiu Laurel. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles