♈ ARIES (March 21–April 19) – Maging alerto sa bawat kilos at salita dahil accident-prone ang araw. Isang argumento ang posibleng biglang sumabog, o merong mangyaring hindi inaasahan. Kumilos nang maingat.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Bantayan ang pera at possessions dahil posibleng magkaroon ng loss, theft o damage. I-double-check ang financial arrangements at protektahan ang pag-aari mo.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Nasa sign mo ang Full Moon, kaya unpredictable at accident-prone ang araw. Posibleng umabot sa explosive peak ang isang sitwasyon o dispute. Dahan-dahan lang at panatilihing bukas ang mata.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Panatilihin ang cool sa work dahil isang bugso ng galit o paglabag sa boundaries ang posibleng pagsisihan mo. Huwag gumawa ng dramatic move maliban kung handa ka nang tuluyang umalis.
♌ LEO (July 23–August 22) – Posibleng magkaroon ng conflict sa friend o group member, lalo na tungkol sa mga bata, arts, sports o entertainment. Matapang ang pananalita mo ngayon, kaya piliin nang maingat ang words.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Mag-ingat sa pakikitungo sa authority figures, lalo na parents, bosses o police. Huwag subukan ang patience nila at umiwas sa explosive argument. Keep a low profile.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Iwasan ang argumento tungkol sa politics, religion, race o ibang divisive issue. Posibleng magkaroon ng surprise o disruption sa travel, higher education, medicine o legal matter. Dahan-dahan sa bawat hakbang.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – I-double-check ang banking details, inheritance, insurance, taxes, debt at finances ng shared property. Posibleng magkaroon ng error o pagtatalo. Manatiling kalma.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Mainit ang sitwasyon sa spouse, partner o close friend, kaya madaling magsimula ang argumento. Unpredictable at on edge ang mga tao, at accident-prone ang araw. Maging alerto at kind.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Posibleng maistorbo ang work routine dahil sa staff shortage, power outage, sirang equipment o argumento. Maglaan ng extra time para merong allowance sa unexpected.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Kung parent ka, bantayang mabuti ang mga bata dahil accident-prone ang araw. Mag-ingat din sa sports, arts at entertainment activities. Posibleng biglang magbago ang social plans.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Magugulo ang home routine dahil sa surprise visitor, equipment trouble, power outage o sirang small appliance. Posibleng mauwi ito sa family argument, lalo na sa parents. Bagalan ang kilos at pairalin ang patience.


