For the very first time sa kasaysayan ng beauty pageants, dalawa sa pinakamalaking beauty contests sa buong mundo ang sabay na magaganap bukas, Nov. 25.
Pihadong mahihilo ang ating mga kababayang invested sa naturang mga international beauty contests lalo’t nagpadala ang bansa ng mga exciting and very competent representatives.
Ang 75th Miss Universe coronation night ay magaganap ngayong Martes,November 24, 2026, at 8:00 p.m. ET at the José Miguel Agrelot Coliseum in San Juan, Puerto Rico.
Papatak ito ng Wednesday, November 25, 2026, in the morning in Philippine Time.
Mapapanood ito via iWant online, plus Kapamilya Channel, Metro Channel, AllTV2, at A2Z.
Ang ating pambatong si Bea Millan-Windorski ang magtatangka na masungkit ang ikalimang Miss Universe title para sa Pilipinas na napanalunan na nina Ms. Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
Ayon sa mga beauty pageant sites, malaki ang laban ni Bea dahil sa pagi itong pasok sa mga preliminary activities ng Miss Universe at isa din si Bea sa mga matitikas at malalakas na kandidata.
Tinatayang nasa 116 na bansa ang lalahok sa taong ito.
Samantala, ang Miss International 2026 naman ay magaganap din ngayong Wednesday, November 25, 2026, at Tokyo Dome City Hall (also referred to as Kanadevia Hall) in Shibuya, Tokyo, Japan.
Papatak naman sa alas-5 ng hapon dito sa Pilipinas ang oras ng koronasyon na mapapanood naman sa Livestream nito sa kanilang official Miss International YouTube channel na may members-only access.

Lalahukan ito ng nasa 73 delegates, kasama ang panlaban ng Philippines na si Katrina Anne Johnson.
Tatangkain naman ni Katrina na makuha ang ika-pitong korona ng Miss International na naiuwi na sa bansa nina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013) at Kylie Verzosa (2016).


