Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, bakit ngayong November lang inilabas ang September video nito?

Marami ang nagtatanong at nagtataka kung bakit ngayong nasa third week na ng November lang inilabas ni Kim Chiu ang kanyang video vlog.

Sa kung ilang buwan na ding hindi visible si Kim since hindi na siya napapanood sa It’s Showtime noon pang September 15 or around that period, bakit daw ngayon lang siya nagbigay ng update tungkol sa kanya?

Mental health and family-related problems ang sinasabing dahilan kung bakit kinailangan ni Kim na mag-lay low pansamantala sa kanyang showbiz activities and commitments.

Kasama na nga dito ang isinampang legal na aksyon laban sa kanyang kapatid na si Lakam na may kaugnayan nga sa paglustay ng pera o nawawalang pera nang walang malinaw at malinis na dokumento para sa kanilang kumpanya.

Lumitaw din at pinag-tsismisan ang napabalitang diumanoý pagbubuntis ni Kim kaya daw nagpapahinga ito.

Tahasan naman itong itinanggi ng aktres-host at sa pamamagitan nga ng kanyang legal adviser ay nagbanta si Kim sa mga naglalabas ng balita o impormasyon hinggil sa sinasabing pagbubuntis nito na mas maging maingat dahil wala umano itong katotohanan, lalo na ang napabalitang nasa Canada siya at doon manganganak.

Ngayon nga ay mainit namang pinag-uusapan ang pagbalabs ng kanyang vlog o socmed video kung saan nagsasalita siya ng pagkakaroon ng anxiety simula ng idemanda niya ang sariling kapatid at magkaroon ng iba’t-ibang kwento sa kung anumang mga personal niyang pinagdadaanan.

Although sa naturang vlog ay sinabi din niyang soon ay babalik siya?

Yun nga lang, pinagtatakhan ang petsa ng naturang vlog at content nito kumpara sa mga napabalitang tsismis at update tungkol kay Kim.

Still, maraming mga netizen o madlang pipol na nagtataka at nagugulat kung bakit ngayong third week of November lang daw ito inilabas gayung last September pa daw pala ito ginawa ng aktres-host?

Sari-sari ang lumabas na espekulasyon at kuro-kuro.

Nandiyan ang mga nagsasabing tila daw kasi nararamdaman na  ni Kim ang unt-unting paglaho ng kanyang kasikatan kaya’t need daw nitong maging relevant uli sa mga balita.

May mga nagsasabi namang baka nga matindi ang pinagdadaanan nitong mental health problem kaya ngayon lang ito nakakabawi na harapin ang mga personal issues niya.

Mayroon din namang nagpapalagay na simula din daw na hindi na sila nababalita ni Paulo Avelino ay tila nga nag-iba na ang lahat sa buhay ng aktres.

Kung ano man ang totoong kwento sa likod ng naturang pananahimik at ngayong pagsulpot ng sinasabing matagal ng video ni Kim ay malalaman natin sa mga susunod na panahon.

Abangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles