Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Maine Mendoza  at Ria Atayde, nagpa-plastikan nga ba?

Mainit na pinag-usapan kamakailan ang isang video reel at mga litratong kuha sa isang movie premiere event ni Cong. Arjo Atayde kung saan in attendance ang kapatid nitong si Ria at ilan pang mga celebrity friends nila.

Bago pa man ang naturang event na halos kasunod ng pagdaos ng birthday ni Arjo, pinag-usapan na ang isang larawan ng kanyang pamilya na magkakasama sina Maine Mendoza at Congressman Arjo, kasama ang mga parents nilang sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, at mga kapatid ni Arjo.

Yun yung nag-deny si Sylvia sa matagal ng pingatsi-tsismisang naghiwalay na diumano sina Arjo at Maine. “Not true at all,” ang bahagi pa ng naturang denial post.

Pero sa kumalat namang reel o video after that kung saan makikita ngang nasa isang movie premiere event sila, makikitang tila kinakausap ni ABS-CBN reporter na si MJ Felipe si Ria, habang makikitang binati, niyakap at bineso ni Ria ang nakababatang kapatid.

Katabi, in fact, naka-angkla pa kay Arjo si Maine nang lapitan ito ni Ria, pero naging kapansin-pansin sa mga Marites at intrigera ang diumano’y kakaibang body language ng mag-hipag o sister-in-law..

May nagsasabing hindi lang umano na-capture ng video ang mabilis na pagbatian nina Maine at Ria dahil mas na-highlight daw ang ginawang pagbati ni Ria sa kapatid.

May mga nakapuna namang matipid nga daw ang naging palitan ng “glances at acknowledgement” nina Maine at Ria, bagay na nilalagyan nga ng kulay ng marami sabay tanong na, “ay, may isyu? Bakit tila matabang?” 

Sa naturang reel nga din sinasabing kinakausap daw kasi ni MJ Felipe si Ria, kaya’t parang napadali ang pagbati nito kay Arjo at agad na parang “dinedma” si Maine.

Ang iba naman na nagbabasa ng naturang body language ng dalawa, tila ramdam daw ang tensyon sa dalawa at kung ang mga ngiti at tinginang pa-iwas daw ang pagbabasehan, malamang sa malamang nga daw na may isyu sa mag-sister-in-law.

Sey nga ng marami, “magagaling talaga silang artista. Plastikan kung plastikan.” 

Lalo pa nga raw tumibay ang sapantaha o pang-iintriga ng mga nakapansin dahil unlike daw sa naunang denial ng nanay nina Arjo at Ria hinggil sa tsismis na naghiwalay na sina Maine at Arjo, dedma o tila may silent reaction lang ang beteranang aktres sa posibleng isyu umano ng anak na si Ria at manugang nitong si Maine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles