Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – November 22

♈ ARIES (March 21–April 20) – Alam mong mag-enjoy sa buhay, kaya sulitin ngayon ang mga tao, hayop o lugar na nagpapasaya sa iyo. Mula midweek, magiging busy ka sa work, lalo na kung tutulungan ang partner sa isang event. Maglaan pa rin ng oras sa pinakamahalaga para sa iyo.

♉ TAURUS (April 21–May 21) – Kung gusto mong mag-impress ng importanteng tao, paghandaan ang look mo. Pabor sa iyo ang property matter, mula dream place hanggang paglipat kasama ang partner. Sa pera, teamwork kasama ang family member ang magdadala ng benepisyo.

♊ GEMINI (May 22–June 21) – Napagod ka sa pag-aalaga sa isang tao, kaya mag-ayos ng tulong mula sa iba. Lalabas na ang matagal na issue sa partner at kailangan nang magdesisyon tungkol sa future adventure. Kung okay sa iyo ang gastos, suportahan ang vision niya.

♋ CANCER (June 22–July 22) – Hindi malulutas ng matigas na pagtutol ang issue, lalo na kung involved ang mga bata. Humanap ng bagong paraan. Kung merong health concern, kumuha ng second opinion o mag-research. Lalakas ang loob mong subukan ang matagal mo nang gusto.

♌ LEO (July 23–August 23) – Malakas ang creativity mo, kaya ipagpaliban muna ang chores at ilabas ang artist, photographer o performer sa iyo. Maeengganyo ang iba at ipagmamalaki ng friends ang talent mo. Babalik ang partner na naging busy o malayo, pero huwag pabayaan ang friendships.

♍ VIRGO (August 24–September 22) – Handa kang gawin kahit ang mahirap o maruming task, mula nursing hanggang repairs o paglilinis. Dadagdagan ng Mars ang energy mo para sa physical activities. Magpatuloy at mapapansin ang pagbabago sa wellbeing. Mag-ingat sa blame game sa work.

♎ LIBRA (September 23–October 23) – Huwag makisali sa laro ng irritating na tao. Mas magandang ilaan ang oras sa friends, group o club na nangangailangan ng volunteers. Kung wala ka pang pinag-aaralan o itinuturo, humanap ng kursong hahamon sa isip mo.

♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Mas bibilis ang takbo mo sa work habang gumagalaw ang Mars. Ipinakita ng recent events ang halaga ng tunay na friends, kaya dalasan ang pagkikita kahit kailangan mong bumiyahe. Gusto mong gumawa ng kakaiba. Magastos ito, pero magbibigay ng bagong sigla.

♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Kung hindi ka makabiyahe ngayon, magplano para sa future. Biglaang balita tungkol sa kasal ng friends at paparating na babies ang magpapaisip sa sarili mong love life. Lalo itong tatama kung complicated ang relasyon.

♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Tahimik ang week, kaya habulin ang unfinished tasks, lalo na sa studies. Humanap ng organisasyong makatutulong sa taong humaharap sa health issue o problemang mahirap dalhin nang mag-isa. Ilang malamig na lakad ang magbibigay ng sigla.

♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Magdadala ang Uranus ng nakakagulat na balita tungkol sa love affair o match na hindi mo nahulaan. Sa sariling relasyon, kailangan ng honest conversation tungkol sa pagkakaroon o pagdagdag ng anak. Oras ding seryosohin ang talent sa music o art.

♓ PISCES (February 19–March 20) – Kung dumating ang unexpected bonus, mag-relax at ibahagi ito sa mga mahal mo. Tahimik ka tungkol sa talents, pero ibang tao na ang pumupuri sa iyo. Uunlad ka, at tutulungan ka ng practical na partner na manatiling realistic.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles