Maiyak-iyak ang award-winning actor na si Jericho Rosales sa tribute na ibingay sa kanya ng Eat Bulaga, bilang nag-celebrate sila ng ika-30 taon ng Mr. Pogi.
Ang naturang pakontes sa TV ng longest running noontime show sa bansa ang nagbigay daan kay Echo para marating niya kung ano man siya ngayon sa industriya.
Although noong 1987 sinimulan ang Mr. Pogi sa EB, noong 1996 nang tanghalin ngang grand winner si Jericho ng tila naging mukha ito ng Mr. Pogi. kung paanong ang mga gaya nina Aiza Seguerra at Ryzza Mae Dizon ay naging mukha naman ng Little Miss Philippines.
Isang award-winning actor, TV and film superstar, effective endorser at isa pa rin sa pinaka-malalaking artista sa ngayon.

“Dito talaga nagsimula ang lahat. Without this, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon,” ang paulit ulit na sinasabi ni Echo habang nagpapasalamat sa mga Dabarkads na sina Vic Sotto, Joey de leon, Jose Manalo at mga kasama nila sa programa.
Kahit daw mas nakilala si Echo bilang Kapamilya actor sanhi ng mga TV shows at movies na ginawa niya doon, “hinding-hindi ko makakalimutan ang Eat Bulaga at ang Mr. Pogi.”
Naging emosyonal pa si Jericho nang batiin siya ng kanyang ina na mayroon na palang medical condition na “alzheimer’s” and yet naalala pa din siya.
Muli din niyang pinakilig ang live audience nang kumanta siya ng famous Francis Magalona song na “Kaleidoscope” at batiin pabalik ang real-life gf nitong si Janine Gutierrez.
Muling ibabalik ng Eat Bulaga ang Mr.Pogi kontes na sinasabi ngang naging mukha si Jericho.


