
Sa muling pagbuhay sa noon pa ma’y dinarayo ng ÄLA E! festival sa Batangas province, inaasahang muli itong dadagsain hindi lang ng mga local folks kundi maging ng mga foreign investors and guests.
Sa ginanap na media conference sa Batangas City na siyang host ng tinatawag na mother of all festivals sa Batangas at pag-celebrate nila ng 445th founding anniversary ng lalawigan, positibong sinabi ni Mayor Marvey Mariño na mataas ang pag-asa nilang muling pag-uusapan at mailalagay sa mapa ng mga pestibal sa bansa ang lalawigan.
“Lubos ang aming pasasalamat kay Gov. Vilma Santos-Recto. Tunay siyang mapagkalingang ina ng lalawigan, inspirasyon at napaka-sipag na lider. Dahil sa kanya, muling nabuhay ang aming “Ala E! ” (festival) na mag-showcase ng lahat na mayroon dito sa aming probinsya. Sabi nga ng aming slogan, “All Here, So Near”, naririto na sa aming probinsya ang lahat ng hinahanap ninyo- masasarap na pagkain, magagandang tanawin, talented and skilled na mga Batangueno, mga tradisyon at kulturang pinoy na pinoy, at mga activities na magpapakita ng lahat na iyan,” paanyaya ni Batangas City Mayor Marvey Mariño.

Sa pagbabalik ng naturang pestibal na ayon kay Prov’l. Administrator Atty, Joel Montealto ay ginawa ng batas ng lalawigan, “magtutuloy-tuloy ito kahit pa magkaroon ng ibang mga pinuno sa darating na panahon. We institutionalized it already as this will simply represent and become Batangas province’s identity and symbol of tradition and culture. Si Gov. Vi ang nagpasimula nito kaya naman sinisiguro niya na sa kanyang pagbabalik sa Kapitolyo na mapaigting ang identity ng lalawigan at malaman ng buong mundo na bahagi ito ng bawat isang Batangueno, at maging ng lahat ng pilipino.”
Nakalatag ang walong araw na mga iba’t-ibang mga activities at events na mag-highlight ng maraming mga aspeto mula sa mga pagkain, damit, sport, relihiyon, entertainment, singing and dancing, entrepreneurship, pagluluto, kalusugan, edukasyon at marami pang iba na “tatak-Batangas.”
Ayon mismo kay Gov. Vilma Santos-Recto, bukas ang kanilang imbitasyon sa lahat, mga pinoy man o mga foreign nationals na nais pang makilala, madiscover at ma-re-discover ang Batangas.
“Batangas is beautiful–our food, our culture, our heritage and our people. The “Ala E!” Festival is our moment to stand proud of our roots, partner with our communities and move forward as one united province. Ipagmalaki natin ang kulturang Batangueno,” pahayag ng napakasipag na ina ng lalawigan.
Ang walong araw na selebrasyon ay inaasahang magdadala ng maraming turista sa probinsya at mga oportunidad para sa trabaho, negosyo at entertainment para sa mga darayo.
“Inaasahan na namin ang matinding traffic dahil normal at natural naman iyan kapag may ganitong kalaking okasyon. Pero may mga nakahanda na kaming mga seguridad, safety measures at handa ang aming mga tao, opisyal at volunteers sa mga kaakibat nitong usapin,” saad ni Mayor Mariño.
Batay naman sa mga surpresang inilahad ng Provincial Tourism Office at ng Public Information Office, kasama na ang opisina ng Governor, inaasahan nilang dadagsa ang mga ipinagmamalaki nilang mga celebrities, local man o national gaya nina Erik Santos, Angeline Quinto, Jugs Jugueta, mga beauty queens, mga Kapuso at Kapatid artists, mga Kapamilya celebrities, sports personalities at iba pang mga local talents na magpapaligsahan sa maraming talent showcase mula sa battle of the bands, singing contests, fashion show, street dance, at marami pang iba.
Kaya naman perfect na perfect ang kanilang paanyaya na “All Here, So Near,” dahil sa “Ala E! Festival” wala ka nang hahanapin at sa lapit nito sa Metro Manila at mga karatig na probinsya gaya ng Cavite, Rizal at Laguna, wala ngang lugar ang mga salitang “malayo,mahirap at magastos” dahil libre at marami pang mga libreng serbisyong nakalatag ang lahat ng mga events.


